CHAPTER 1

1K 24 2
                                    

"Okay ka lang bes?". Tanong ni Cassandra kay Abi, nandito sila sa apartment nina Abigail at Jairah. Pinagmamasdan lang ni Jairah ang tulalang si Abigail at nag-aalalang si Cassandra, napailing nalang ito dahil mukhang alam na nya ang nangyari.

"Tungkol nanaman ba toh kay CJ?". Iritang tanong ni Jairah sa nakatulalang si Abi. "Jusko naman Abigail, sinabihan ka na ni Cassandra dyan sa basketball player mong boyfriend kuno". Tinignan lang ni Cassandra si Abi, naiinis ito sa kamanhidan ng kaibigan.

"Totoo ba, Abi? Yung lokong yun nanaman? Ilang beses ka ng binasura nun ah". Iritang sambit ni Cassandra, tinignan ni Abi sila Jairah at sinabing "Hindi ko ba alam, khit na parang kumukuha lang ako ng batong ipupukol sa ulo ko ginagawa ko pa din. Nakakapagod magintay na magbabago sya bes". 

Pagkasabi ni Abigail nun ay dali-daling tumayo si Cassandra at nagtanong "Jai, saan nakatira yung mokong na yun?". At napuno na nga ng inis si Cassandra.

"Lika bes, ituro ko sayo ng mailibing mo na ng buhay yung lokong yun". Nang pipigilan sana sila ni Abi agad na hinarangan sya ni Jairah. 

"Abigail Austrai, ang ganda mong babae at matalino tapos iiyakan mo yung mukhang lupa na yun? Bes gumising ka". Nakinig si Abi kay Jairah at agad na lumayo na lang at hinayaang makalabas sila Cassandra.

"Wala ako sa mood manapak pero pinuno ako ng lalaking yun". Walang emosyon na nakikita sa mga mata ni Cassandra, para na kasing kapatid ang turing nya kay Abi. 

Simula Elementary magkasama na sila kaya hindi nya hahayaang umiyak ito ng dahil lang sa isang kalokohan. "Ayoko man bes pero sobra na kasi yun si CJ, eto namang isa manhid". Sambit ni Jairah nang palapit na sila sa unit nina CJ.

Mabilis na kumatok si Cassandra sa nasabing unit, makaraan ang limang katok, tumambad sakanila ang pamilyar na mukha ni Cole Hartmond.

"Nandyan ba si CJ Velasquez?". Agad na tanong ni Cassandra ngunit tanong lang din ang isinagot nito sakanya. "Bakit nyo hinahanap si Velasquez?". Nang dahil sa tanong ni Cole napairap si Cassandra. "Don't answer me with another question Mr. Hartmond". Tugon ni Cassandra, pinupuno sya nito. "Hey miss, chill ka lang okay? Wla si Velasquez dito nasa klase pa ata nya". Natatawang sabat ni Cole.

"That's an ease question diba? Hindi nalang sinagot agad". Mataray na tugon ni Cassandra na nagpatawa sa binata. "Sorry miss, gusto sana kita ksi maganda ka kaso mataray ka masyado".

And those statement cuts the last piece of thread that is keeping Cassandra away from unleashing herself. "Wala naman akong sinabing gustuhin mo ako ah? And fyi, I don't like those people who will answer someone with another question".

After that, Cassandra drag Jairah with her and leave that hell hole. "Bes, hindi pa si CJ yun ahh". Natatawang sambit ni Jairah, umirap lang si Cassandra at sinabing 

"Nakakainit kasi ng dugo yung lokong yun at bakit dito sya sa USTe naka-stay? Diba taga Ateneo yun?". Tanong ni Casandra kay Jairah "Bes, open na ksi ang mag-aapply ng tutor para sa mga newbie dito. Tyaka matalino naman yang mokong na yan".

Tsk, matalino pero pilosopo, sambit ni Cassandra sa isip nya. Pasalamat itong CJ na ito wala pa sya kundi nakaranas toh ng upper cut. Nang makauwi si Cassandra sa bahay nila, naaubutan nya ang kuya nya na nakaupo sa sofa habang may binabasang mga papeles, mukhang iniintay sya nito. 

"Kuya, bakit gising ka pa?". Tanong ni Cassandra pakatapos humalik sa pisngi ng kuya nya.

Nagtanggal ito ng salamin sa mata at tumingin sakanya. "Hindi uuwi sila mommy ngayon dito kaya dito muna ako mananatili para may kasama ka". Seryosong sagot ni Jorge sakanya. "Kuya, alam kong baby mo ako pero nandito naman si Manang Celestia, wag kang mag-alala".

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя