CHAPTER 4

381 19 8
                                    

"I am here standing in front of you to inform you guys kung sino ang mga nagpasa ng kanilang application form para sa tutoring program na pagsasaluhan ng ating eskuwelahan at ng UST". Panimula ng professor nila Tyrone, matiim silang nakikinig sa nasa harapan nila.


"Mr. Martinez, Ms. Sanchez, Mr. Seipan, Ms. Johnnson, Ms. Cahalan, Mr. Juarez...". Pagkatapos banggitin ang mga pangalan ng mga nagpalista sa programa, sinunod ng professor ang mga kailangan sundin at benefits ng mga nag-apply.


"I know halos lahat kayo kaya nyo ng magprovide ng mga mamahaling bagay and all but I just want to clarify that this program that we will have will still give you income. Kapag may nakuha na kayong tutees well, they will give you your assigned salary or their parents will provide that, it's up to them. You can also enhance your knowledge and we will give extra credits to those who participated".


"The schedule will be decided by you guys, make sure to give the right schedule sa inyo tuturuan. Dapat hindi tatapat sa klase nila and even yours para makapagfocus pa din kayo sa kanya-kanya niyong agenda in school. We will give you permission to have tutoring session every Weekends if that's okay for the both parties. You need to tutor them in their lessons and you will have partner that we will announce before the tutoring sessions starts".


.

.

.

.

.

.

Sa kabilang banda naman, ganun din ang ginagawa ng professor nila Cassandra sa UST, some of them were excited and all but she was kinda nervous. She never had these "open" surroundings, talagang sa UST lang ang takbo ng buhay nya since then.


After the class discussion, dinismiss na sila ng kanilang prof at agad niyang hinanap ang mga kaibigan nya. Magkakaiba sila ng kursong kinuha at iba-iba din ang building na kanilang pinapasukan. 


Ang maganda lang sakanila ay sabay-sabay ang lunch break nila. Nang nagtungo sya sa Canteen ng UST, nakita nya ang mga kaibigan nya at agad na kumaway ang mga ito sakanya.


"As usual, late ka nanaman bes". Panunudyo ni Abigail sakanya habang umuupo sya sa tabi nito. Nang makaupo sya, ngumuso si Abigail patungo sa isang direksyon. 


Nang lumingon sya dito, nakita nya si Jairah na hawak ang telepono at nakangiti. Siniko nya si Abigail habang nakatingin pa din sa isa.


"Anong nangyari dun? Sino kausap?". Tanong niya kay Abigail, nagkibit-balikat lamang si Abigail at bumulong. "Baka yung bebe nya". Nanlaki ang mata ni Cassandra sa sinabi ni Abigail at agad na binato ng tissue si Jairah.


Nagulat naman ang isa kaya agad na tinago ang phone at tumingin sakanila. "Hi Cass, nandyan ka na pala". Nakangiting banggit nito. 


"Oo, nandito na sya di mo lang napansin dahil dyan sa kausap mo". Panunudyo ni Abigail sa kaibigan.


"Balita ko bes, nagsign-up ka sa tutoring program ahh". Pagiiba ng usapan ni Jairah na nagpatawa sakanila ni Abigail. "Yes, naisip ko lang maybe it's time to stop depending on my parents". Sambit nya.

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Where stories live. Discover now