CHAPTER 18

275 9 7
                                    

Kasalukuyang nasa Canteen sila Cassandra, kasama nanaman niya ang squad niya, syempre. She's with Jairah and Abigail.

"Saan ka natulog after nung death anniversary ng kapatid mo?".

"Nung nakaraan din, saan ka natulog nun?".

"Bigla ka na lang nawawala, MIA ka dzai".

"Sabi mo safe ka naman, saan ka tumuloy nun?".

Her friends bombarded her with questions, hindi niya alam kung sasagutin niya ang mga ito at sabihin niya na sa bahay ni Tyrone.

Nakita niya ang nakakalokong ngisi pa ni Jairah.

"Anong nginingisi mo dyan?". Nakaangat ang kilay niya na nagtanong.

"Hindi kaya kasama mo si Mr. Atenean?". Umaangat-angat pa ang dalawang kilay nito.

She blushes because of shock and embarrassment, nanlaki ang mga mata ni Abigail sa sinabi ni Jairah at binato siya ng tissue. Aba! Buti nakailag ako!

"Hala! Wehh? Yung Tyrone na nakasama natin mag-lunch? ACKKK!!".

Tumili pa nga, kahit kailan talaga itong babaeng ito. Alien talaga.

She has no choice but to share it with them, hindi naman siya dapat mahiya dahil kaibigan naman niya ang binata.

(Author's note: Kaibigan lang?)

"Tama naman kayo, I am with Tyrone those MIA scenes of mine".

Namumula na ang mukha niya dahil unang beses niya itong makwento about sa lalaki lalo na sa mga kaibigan pa niya.

She doesn't do boyfriends diba?

Sinenyasan pa siya ng mga ito na ituloy ang kwento and so she continued.

"Sa sobrang lasing ko nun puro na ako kabaliwan, sure ako kung ano-ano ang nasabi ko. Nakita pa akong ganun ng mga kaibigan niya, si Grey nandun din".

Nakita niyang ngumiwi ang mukha ni Jairah, she's still in love of course. Hindi naman mababaw ang napagsamahan ng dalawa.

"N-nasa bar siya?". Mahinang tanong ng kaibigan.

"No worries, malabo ang paningin ko nun but I assure you that he's with his friends".

Nakita niyang nakahinga ng maluwag ang kaibigan, ganiyan ba pag nagmamahal?

Nagiging hopia? Choz.

"H-he was there, nung nagluluksa ako kahapon. Sinamahan niya ako".

Mas lalong lumaki ang mga mata ng mga ito dahil sa gulat, hindi siya nagdadala ng kahit na sino sa puntod ng kapatid niya.

Maybe fate plays yesterday, na naroon din ang binata sa lugar.

"Oh My Gosh! I am so kinikilig, bes!!". With matching tili pa yan ni Abigail.

"Halata nga". Natatawang sambit nila ni Jairah sa kaibigan.

"Isipin mo yun, you never let your guards down lalo na sa ibang tao but I assume you cried in his embrace, tama ba?".

She slowly nods at Jairah's statement.

Hindi nga siya ganun pero may kakaiba kasing dulot si Tyrone sakaniya na tumitiklop siya bigla, na para bang hindi siya huhusgahan nito pag naging mahina siya.

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Where stories live. Discover now