CHAPTER 35

1.3K 23 0
                                    

Cassandra is currently lying on her bed sa condo niya, she feels so sick. 


Hindi niya alam pero ang sama ng pakiramdam niya ng araw na iyon. Mukhang tinatrangkaso pa siya, may shift pa naman siya sa ospital dalawang oras na lang. She can't afford to be sick.


Nang nagiisip-isip ako paano makatulog saglit, narinig kong tumunog ang telepono ko. 


May tumatawag, I immediately look at the caller's I.D and saw Iya's name.


"Yes, Iya?". Panimula ko, sana hindi niya na mapansin na medyo ngongo yung boses ko. 


"Cass, need na medyo agahan mo pagpasok sabi ni doktora kasi sobrang daming pasyente ngayon. Dagsa".


Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, paano na 'yan? "Sige, aagahan ko na lang". 


Sambit ko na medyo nanghihina. "Bakit parang iba yung boses mo? Okay ka lang?". Narinig ko ang pagaalala sa tono niya.


"Medyo masama lang yung pakiramdam ko".


"Pwede naman akong magsub sayo kung hindi ka talaga makakapasok, maiintindihan naman ni doktora".


Napailing ako sa sinabi ni Iya, "I am being too unprofessional kung simpleng trangkaso lang aabsent na ako, mas maraming nasa malalang sitwasyon kesa sa akin ano".


Napasinghap siya sa sinabi ko, I bet umiiling pa yan ngayon sa kabilang linya.


"Alam mo, doktor ka talaga. Sige, magiingat ka".


"Iidlip lang ako saglit tapos gora na diyan".


"Wag kang magmadali ah? Ingat, byee!". At binaba na nito ang tawag.


I feel blessed towards Aliyanah, willing siyang magsub sakin kahit alam niyang dagsa ang mga pasyente ngayon. Matrabaho yun.


Nananakit talaga ang mga buto-buto ko at kapag tatayo ako nahihilo din ako, hyss.







Nasa kalagitnaan siya ng pagidlip nang biglang tumunog ang telepono niya hudyat na may tumatawag.


Kinuha niya ang telepono niya sa side table at sinagot ng hindi tinitignan ang tumatawag, she thought it was Iya.


"Saglit lang, Iya. Babangon na ako, sobrang nahihilo pa din ako eh". I answer the call with my bedroom voice.


Muntik ko ng mabato ang telepono ko nang may narinig akong boses sa kabilang linya, hindi ito si Iya.


Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Where stories live. Discover now