CHAPTER 8

259 9 2
                                    


Kalalabas ko lang galing sa classroom namin and I saw my friends waiting for me in the hallway, talagang hinihintay ako ng mga ito.


 Tumakbo sila Jairah palapit sa akin at sumampa sa likod ko kaya muntik na kaming mabuwal sa lapag.


Hinampas ko silang pareho sa balikat at tinawanan naman nila ako. "Arat bes, sabay-sabay na tayong umuwi". Nakita ko yung kindat nila at sigurado ako kakain pa sila sa Katipunan.


Daily routine na ata namin ito, magaaya umuwi tapos didiretso na kami sa Katipunan para kumain sa mga stall duon. 


Naalala ko, inaya nga pala ako ni kuya Jorge ngayon kaya hindi muna ako makakasabay.


"Sorry girls, hindi muna ako makakasabay sainyo pauwi, susunduin ako ni kuya Jorge ehh". 


Nakangiting banggit ko sakanila, nakita nya ang pag nguso ng dalawa na ikinatawa nya.


Inakbayan nya ang mga ito. "Bukas girls, promise". 


Nakangiti niyang pangako sa mga kaibigan na nagpangiti sa dalawa.


"Sge ba, basta bukas libre mo na". Panggugulang ni Abigail na ikinatawa nilang lahat.


Tumango sya at kumaway sa dalawang papaalis na. 


"Ingat kayo!". 


Sigaw nya habang kumakaway sa dalawang tumatakbo para makakuha siguro ng sasakyan. 


Nakatayo sya sa gilid ng gate naghihintay sa kuya nya.


Habang nagiintay sya, may nakita syang pamilyar na imahe na patungo sa direksyon nya, katabi nya nga kasi yung main gate kaya lahat ng papasok, madaraanan sya.


That's Austin. 


Nakita sya nito kaya mas bumilis ang takbo nito palapit sa kanya, ano may race bang nagaganap? 


Nang makalapit ang binata sakanya, agad na binati sya nito. 


"Hi Cassandra, it's nice seeing you again". Magiliw na bati ng binata.


"Hi... Bakit ka nga pala napadpad dito sa USTe?". 


Magalang niyang tanong kahit may kaunting sarcasm sa boses nya. 


"May ipapasa kasi ako and may irereport ako sa head nyo". Tango lang ang itinugon nya sa binata.


"Pauwi ka na?". Sambit ni Austin sakanya. 


"Oo, susunduin ako ng kuya ko". Bago pa man makasagot si Austin, speaking of the devil ay este kuya pala nya.

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Where stories live. Discover now