CHAPTER 21

284 7 0
                                    

Cassandra is with her friends having their girl's bonding.


"Gosh! Nag-sembreak din!".


May pagsabunot pa si Abigail sa buhok ni Jairah. Kawawang hibla ng mga buhok, RIP!


"Trulalu ka diyan, baka mabaliw na ako pag hindi pa nag-sembreak". Natatawang tugon ni Jairah kay Abi, baliw naman na talaga kayo eh.


"Tagal ka ng baliw dahil wala kang lablayp, mare". Hala! Personalan yern? 


Nakurot tuloy siya ni Jairah.


Bumaling bigla sa akin ang tingin ng mga kaibigan ko, ay anong problem?


"Ohh ang isa rito nagmamalinis huy! Doktora, may nagpapatibok na po ba diyan sa organ niyo na yan?". Kahit kelan, Abigail.


Tumawa pa ang dalawang nasa harap ko na parang nangaasar talaga, apakabait talaga. Nag-angat nga ako ng kilay hudyat na nagtataray na ako.


"Tagal ng tumitibok ito, mga lokaret!". Totoo naman ahh, simula lumabas siya sa sinapupunan ng nanay niya at tumitibok na ang puso niya. 


Pilosopo diba?


"Naku! Mukha ka ngang masaya eh". Sambit ni Jairah.


Ayy edi sanaol happy!


Tyaka sino bang hindi magiging masaya? Bato lang siguro ang hindi magiging masaya sa mga nararanasan ko ano.


"Mag-kwento ka huy! Wag maramot!". Pamimilit sakin ni Jairah. 


Ano mga dzai? Uhaw sa details? Aba!


"Ano ba, uhmm... Should I say finally may nanliligaw na sakin?". 


Awkward kong tanong sa kanila, paano ba kasi yung approach?


Bago pa magsink-in sakin yung kabaliwan ko at bigla akong pinaghahampas ng dalawa, ano ba yan?! Wrestler ba ang mga ito o sadyang takas sa mental?!


"Gosh! Hindi ka na NSSB, baklaa!!". NSSB? May ganun ba? Akala ko ba NBSB yun?


"Anong NSSB ka dyan?".


"No Suitor Since Birth, bebe gurl". 


Maarteng pagpapaliwanag sakin ni Jairah, ayy may ganun pala?


Nagkukurutan pa ang dalawa sa harap niya na para bang kinikilig.


"Ituloy mo na ang kwento, dalii!". Pangungulit ni Abi sakin, ano bang magagawa ko diba?

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt