CHAPTER 13

240 10 1
                                    

2 months had passed and their ride were getting smooth with a little bit of bumps.


Tyrone and Cassandra got even closer to each other, hindi na natatapos ang isang araw ng hindi sila nagkakausap.


Tyrone's replies are still so limited pero hindi na siya masyadong snob which shocks their tutees dahil paunti-unti itong nababago. 


Kapag magkasama naman ang dalawa, dumadaldal na rin si Tyrone pero hindi natin maiiwasan ang katotohanan na talagang mas madaldal si Cassandra.


Nasa loob ng library ng USTe si Cassandra, doing some research for their project. 


Nakaramdam siya ng gutom pero sobrang busy niya talaga, she opens her Facebook and posted a story.


She attaches pictures of foods and put a caption that says "padeliver", hindi naman siya umaasa na may magrereply, wala gusto lang niya. 


Hindi rin siya nakakain ng umagahan dahil nasa hapag na kanina ang mga magulang niya.


So, to avoid any unnecessary conversation, she left their house. Wala ang kuya niya kaya mas mabuting umiwas na lamang siya.


On the other hand, Tyrone is with his friends having a "drinking session". 


Wala naman na silang klase kaya nagaya na si Grey na uminom, hindi pa din kasi okay ang pakiramdam nito kaya dinadaan na lamang niya sa alak.


Nakita ni Tyrone ang bagong story ni Cassandra and he did not hesitate to click it.


Nakita niya ang litrato ng mga pagkain at may caption na 'padeliver'. 


She hasn't eaten yet? It's already 1:25 in the afternoon, lagpas lunch time na.


Nagbabasa si Cassandra ng mga notes niya at may ginagawa sa laptop niya, she is so occupied to the point na hindi na niya nacheck ang mga nagview sa story niya.


Narinig niya ang tunog ng telepono niya kaya agad niya itong kinuha sa pagaakalang mga kagrupo niya ito, nagulat siya ng nakita ang pangalan ni Tyrone sa notification.


 She quickly opens the message and read it.


Tyrone Martinez:

*Replied to your story

Do you want those?


Hindi maipaliwanag ni Cassandra ang naramdaman niya ng nakita niya ang mensahe ng binata, hindi ito mahabang mensahe pero puno ito ng pagaalala.


Cassandra De Vera:

Oo naman, ang sarap kaya ng mga yan.


Tyrone Martinez:

You haven't eaten lunch yet?

Choosing You (Us Against The Fate Series #1)Where stories live. Discover now