Ikalabimpitong Kabanata

370 20 1
                                    

Sobrang naguguluhan ako ngayon dahil sa emosyong nararamdaman ko. Masayang-masaya ako ngayon dahil si Joyce na yata ang pinaka-masayang babaeng nabubuhay sa mundo ngayon kasi sila na ulit ni Glenn. Or should I say, fiancé na niya si Glenn. Waging-wagi ang best friend ko, hindi ba? Hahaha!

Pero bakit sinasabi kong naguguluhan ako? Eh kasi, sa kabila nang pagiging masaya ko ay sobra-sobrang nalulungkot din ako dahil sa States na titira sila Joyce at Glenn. Ang masama pa dito ay ngayong araw sila nakatakdang lumipad papunta doon. Aww! Napakasakit. Pilit ko mang dedmahin pero wala, sobrang nasasaktan talaga ako ngayon. Ugh!

Choice ng family ni Glenn ang pagtira nila sa States with Joyce. Ewan ko ba kung bakit doon sila titira. Ewan ko ba kung anong mayroon doon sa States na wala dito sa Pilipinas. Psh!

Nakakatitig lang ako sa cell phone ko ngayon habang pinagmamasdan ang unti-unting pagdami ng texts at missed calls mula kay Joyce. Naguguluhan kasi talaga ako. Hindi ko alam kung sasama ba ako sa paghatid sa kanila sa airport o hindi. Baka kasi hindi ko kayaning makita ang pag-alis ng pinakamatalik kong kaibigan. Amp!

"Bebe girl, si sir Gelo nasa baba na!" sabi ni Ate Len pagpasok niya sa kwarto ko.

Tinignan ko lang si Ate Len at hindi ako nagsalita kaya lumabas na lang siya ng kwarto.

Pagkalabas niya ng kwarto ko ay biglang may nag-pop up na message sa screen ng cell phone ko mula sa isang unregistered na number. Syempre, nakuha niyon ang atensyon ko kasi puro name lang ni Joyce ang nagpa-pop up sa screen ng phone ko at iyon lang ang naiiba kaya napansin ko talaga.

Agad ko din namang binuksan ang text mula sa unregistered number pagkakita ko dito.

From: +639*********
Kahit hindi mo sabihin sa 'kin, alam kong sobrang nalulungkot ka ngayon. Kaya naiintindihan ko kung ayaw mo nang tumuloy. Kapag 'di ka na bumaba sa loob ng 10 minuto, uuwi na lang ako at hindi na rin ako sasama. Gelo pala 'to.

Ah, si Gelo lang naman pala. Akala ko kung sino na. Haaay! Ang weird talaga nitong Gelo na ito. Kahit masayang-masaya ako sa harap nila, alam pa rin niya kung nalulungkot ako o hindi. Kahit hindi naman iyon ang emosyong ipinapakita ko sa kanila ay alam pa rin niya kung ano talaga ang nararamdaman ko. Ang weird niya talaga. Ugh.

Makalipas ang ilang minutong pag-iisip at pagpapagulong-gulong ko sa kama ko ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba sa sala. Pagkababa ko ay agad kong nakita si Gelo. Nang makita niya ako ay bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Paglapit ko sa kanya ay agad siyang nagsalita.

"Akala ko talaga hindi ka na baba, eh!" sabi niya.

Ngumiti ako nang bahagya bago nagsalita.

"Naisip ko lang na parang mas masakit yata sa akin kung hindi ko makikita ang best friend ko bago siya lumayo at umalis. Parang mas masakit yata kung hindi kami magkakapagpaalam sa isa't isa," sagot ko.

"Ahh!" sabi naman ni Gelo na patango-tango pa. "Oh, ano? Tara na?" tanong niya pa sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot tapos ay umalis na kami at nagpunta sa bahay nila Joyce.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din kami ni Gelo sa bahay nila Joyce. Syempre, nagyakapan kami ni Joyce nang sobrang higpit nang magkita kami.

"Nagtampo ka na naman? Hindi mo na naman sinasagot ang texts at tawag ko!" sermon niya sa akin.

Hindi ko pinansin ang pagsinghal niya sa akin. Sa halip ay binago ko ang usapan.

"Sobrang mami-miss kita," malungkot kong sinabi kay Joyce matapos naming magyakapan.

"Ano ka ba? Nandito pa ko Bes kaya wala munang iyakan, okay?" sabi niya nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Tumango ako.

"Tara na! Wala munang drama. Tinalo mo pa parents ko, eh!" sabi pa ni Joyce tapos sumakay na kami sa van nila.

Katabi ko sa likuran ng van sina Joyce at Gelo. Nasa harap naman namin sina Ethan, Lily, Derick at Lovely. Tapos katabi nung driver si Glenn. Tapos 'yung parents naman nila Joyce at Glenn ay magkakasamang nakasakay sa van nila Glenn sa siyang sinusundan nitong van namin.

"Hoy crush! Ingatan mo 'tong best friend ko, ah!" sabi bigla ni Joyce kay Gelo habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.

"Hindi mo naman na kailangan pang sabihin iyon, eh. Ni kailanman, hindi pumasok sa isipan ko ang saktan siya. Kung kaya ko nga lang ilipat sa 'kin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko, 'wag ko lang siyang makitang nasasaktan. Handang kong gawin ang lahat para sa kanya. Ganun ko kamahal 'yang best friend mo," sagot ni Gelo pero sa bintana ng kotse siya nakatingin at hindi sa amin.

"Wow! Hindi talaga ako nagkamaling naging crush kita. You're very caring. Itong lang naman kasing best friend ko ang gumagawa ng sarili niyang pighati, eh!" pasaring ni Joyce.

"Sige, pagtulungan ninyo pa 'ko!" saad ko naman.

"Bes naman kasi. Hindi mo ba nakikitang wala kang lugar sa puso ni Ethan? Look. He's very happy loving that stupid girl beside her. Nagmistulan na ngang park itong van namin kung maglandian sila, oh!" mahinang panenermon sa akin ni Joyce.

Masakit mang tanggapin pero sobrang laki ng point ni Joyce. Kung titignan mo sila dito sa harap namin, parang may magnet 'yung body nila kung magdikit sila. Parang sila 'yung etymology ng salitang sweetness. Kung magkapag-lampungan sila, akala mo walang kaibigang lalayo, eh. Haaay!

"Bes, please. Stop muna ako sa love-love na iyan. Gulo lang 'yan, eh!" sagot ko na lang.

Tama! Lumipas ang almost three months na hindi ko masyadong iniisip si Ethan kaya alam kong kaya ko pa siyang dedmahin at kalimutan sa susunod pang mga buwan.

"Asus! Stop daw muna. FYI Bes, hindi ako naniniwala sa 'yo. I'm sure na hindi rin naniniwala si Gelo sa 'yo. Tama ako, 'di ba crush?" sabi ni Joyce.

Ngimiti lang si Gelo.

Okay! Talo na naman ako sa kanilang dalawa. Sila na panalo. Ugh.

Lumipas ang maraming minuto at nakarating din kami dito sa airport. Shiz! Ayaw ko itong nararamdaman ko. Parang sobrang bigat-bigat ng kalooban ko. Parang unti-unti akong nanghihina sa bawat paghakbang ko.

"Bes, heto na. Hanggang dito na lang!" sabi ni Joyce.

Hindi ako nagsalita. Ayaw kong magsalita kasi feeling ko sasabog ako once na magsalita ako.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin sa huling pagkakataon?" tanong niya.

Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla na lang uminit ang pisngi ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Siguro, hindi na rin napigilan ni Joyce ang damdamin niya kaya niyakap na niya ako.

"Bes! I will miss you very much!" sabi ni Joyce pagkayakap niya sa akin.

"Bes, sabi mo walang iwanan, 'di ba?" sabi ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.

Ewan ko kung bakit hindi ko magawang yakapin si Joyce. Siguro, hindi kayang tanggapin ng isipan at katawan ko ang gagawin niyang paglisan.

"Bes, hindi naman kita iiwan, eh. Hello?! Uso na kaya ang Skype ngayon! May cell phone pa tayo. Kayang-kaya kitang tawagan at kumustahin kahit araw-araw pa. Kahit gusto mo magtelebabad pa nga tayo sa phone magdamag, eh!" pagbibiro niya.

"Isa pa 'yan. Wala nang mag-aasar sa akin at magpapamukha sa akin ng mga katangahan ko sa buhay!" sabi ko.

"Oh! Kakasabi ko lang, 'di ba? Kayang-kaya kitang asarin minu-minuto. Nagtanga-tanghan ka na naman," pang-aasar pa ni Joyce.

"I will miss you so much, Bes!" sabi ko.

Sa puntong iyon ay nagawa ko na ring yakapin si Joyce. Na-realize din sa wakas ng utak ko na iyon lang ang pinaka-magandang maipapabaon ko sa pag-alis niya. Ang yakap ng isang tunay na nagmamahal na kaibigan.

*****

Tumblr post by: AngelOnTheBlog

"Maybe, she's not a perfect best friend. But this thing is for sure, I will really miss her when she's not around."

#GoodbyeForNow #ILoveYou #TrueFriend

Angel of MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora