Ikalabingwalong Kabanata

432 19 0
                                    

Halos tatlong linggo na ang lumipas simula noong umalis si Joyce. Pero kahit tatlong linggo na ang nagdaan ay sobrang sakit pa rin sa akin ang ginawa niyang paglisan. Parang hindi man lang nabawasan 'yung lungkot na naramdaman ko noong pinagmamasdan ko siyang maglakad palayo sa aming lahat. Sobrang nasasaktan at nalulungkot pa rin ako hanggang ngayon. Sobrang nami-miss ko na ang best friend ko. Haaay!

Gayunpaman, alam kong kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko. Kailangan kong tanggapin ang katotohanang walang tao ang mananatili at magiging permanent sa buhay ko. May darating, may aalis. I just have to trust that everything happens for a reason, even if I'm not wise enough to see it. Kailangan ko lang talagang magtiwala na ito talaga ang nakatadhanang mangyari sa amin ng only true best friend ko.

The good thing is may isang salita talaga si Joyce. Bakit ko nasabi? Eh kasi, tinupad niya 'yung pangako niyang araw-araw niya akong tatawagan at kukumustahin. Actually, kakatapos nga lang naming mag-usap ngayon via Skype. Pero hindi kami matagal kung mag-usap. Mga 10 minutes lang kaming nag-chikahan. Syempre, may sarili nang intindihin ang best friend ko. She will be a mother soon kaya hindi ko siya kinakausap nang matagal. Nakakahiya namang mang-istorbo ako nang matagal, at saka alam ko naman kung paano ko ilulugar ang sarili ko sa buhay niya. Alam kong marami na siyang dapat i-prioritize sa buhay niya ngayon kaya nililimitahan ko ang sarili kong istorbohin siya.

So heto, nagbabasa-basa lang ako ng posts dito sa dashboard ng Tumblr ko. Wala naman akong ibang napaglilibangan kungdi ito lang. Nakakahiya namang lumabas at maglakad-lakad nang ganitong oras. It's already 7:16pm at madilim na sa labas. Wala naman akong makatext na kaibigan. Simula kasi noong umalis si Joyce, parang doon na rin nabuwag ang Elite 4. Wala nang nagpapasimula ng group text, group outing at kung anu-ano pang kalokohang maisip ni Joyce para sa grupo. Ugh! Joyce is really a big thing to us, especially for me. Parang siya 'yung pinakamalakas na energy source ng buhay ko. Amp!

*****

Tumblr post by: Gospeler
Reblogged by: AngelOnTheBlog

"No matter how far you've run from God, He's only a prayer away."

#HeLovesUs #BelieveInHim #GodIsGoodAllTheTime

*****

Tumblr post by: Friendster
Reblogged by: AngelOnTheBlog

"Bakit kaya ang mga kaibigan kapag may problema ka, tutulungan ka. Kapag umiiyak ka, papatawanin ka. At kapag nag-iisa ka, sasamahan ka. Pero kapag sinabi mong MAGANDA ka, halos lahat sila mamatay na sa kakakontra. Ba't ganun?"

#BestFriends #Asaran101 #JudgeYourFriend

*****

Tumblr post by: EmoterangPalaka
Reblogged by: AngelOnTheBlog

"Minsan, gusto ko nang umiyak. Gusto ko nang mapag-isa. Gusto ka nang makipag-break. Pero naisip ko.....
.
.
.
Single nga pala ako. So anong ine-emote-emote ko?! Haaays!"

#FeelingeraProblems #Ilusyunada #EchuserangFrog

*****

Tumblr post by: EnjoyLife
Reblogged by: AngelOnTheBlog

"In reality, there are no wrong decisions. Because everything we are experiencing is a great lesson."

#NowYouKnow #LessonLearned #NoWrongDecisions

*****

Tumblr post by: Ansabe
Reblogged by: AngelOnTheBlog

Boy: Anong gusto mo sa isang lalaki?
Girl: Gusto ko 'yung masipag mag-aral at maalaga sa pamilya, 'di 'yung puro lovelife inuuna. Eh ikaw?
Boy: Ewan ko. Wala pa 'kong alam diyan. Gumagawa pa ako ng assignment, oh! Ay, teka! 'Yung kapatid ko umiiyak.

Angel of MineWhere stories live. Discover now