Ikalimang Kabanata

513 23 3
                                    

Photo Feed: Meet Ethan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Photo Feed: Meet Ethan

*****

Mabilis na lumipas ang mga araw. February na, love month na. Ngunit bago ako magsabi sa inyo ng kung ano-ano ay hayaan ninyo munang ikuwento ko sa inyo ang mga nangyari noong pageant ng Foundation Day.

Katulad ng inaasahan ko at ng karamihan ay nakuha ni Lily ang title. Bukod sa humakot-award ang bruha ay nag-standing ovation pa ang mga hurado sa kanya sapagkat napakaganda niya noong araw na iyon, at napakaganda rin ng naging sagot niya sa Q and A portion. Ayaw ko mang aminin pero wala talaga akong panalo laban sa kanya. Pagdating sa pagandahan at patalinuhan, tiyak kayang-kaya niya akong lampasuhin. Masaklap man subalit pati sa puso ni Ethan, wala akong binatbat kung makikipag-paligsahan ako sa kanya.

Hindi naman umuwing luhaan noong araw na iyon si Ethan. Sa katunayan niyan ay nakamit niya ang unang karangalang bangit. Dala-dala ko pa nga ang DSLR ko noong araw na iyon kaya naman napakaraming lawaran niyang kuha ko noong Foundation Day ang nai-post ko sa Tumblr account ko.

Ngunit kung ako ang tatanungin ninyo ay si Ethan dapat ang ginawaran bilang Mr. Foundation sapagkat siya ang pinakagwapo at may pinakamagandang sagot sa lahat ng lalaking kandidato noong araw na iyon. Alam kong masama ang manlait subalit hindi ako natutuwang si Jeffrey na babading-bading ang nakakuha ng parangal. Hindi ko lubos na maisip kung bakit siya ang nanalo gayong hindi naman masyadong naging maganda ang sagot niya. At saka, naka-make up pa siya noon dahilan para lalo siyang magmukhang bakla. Para sa akin ay hindi si Jeffrey ang karapat-dapat na nanalo. Baka ang parangal na Ms. Foundation ay ang dapat niyang nakamit.

Siya nga pala, nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Nagbabasa-basa lang ng kung ano-ano sa Tumblr dashboard ko. Wala kasi akong pasok ngayong Huwebes ngunit ang mga kaibigan ko ay mayroon. Ayaw ko namang gumala mag-isa kaya naman mas pinili ko na lamang na ubusin ang mga oras ko rito sa Tumblr, tutal napakaraming posts dito ang nagbibigay sa akin ng sobrang aliw. Gusto ninyo ba ng halimbawa? Sige, hayaan ninyong pakitaan ko kayo ng ilan sa mga ito.

*****

Tumblr post by: BringTheBoysOut

"Alam ninyo ba kung bakit nandito ako sa Tumblr? Dahil naiinis kasi ako sa Facebook. Tanong kasi nang tanong ng, 'What's on your mind?' eh ikaw lang naman ang nasa isip ko. Alangan namang i-Share kita. Para ano? Para i-Like ng iba? Ayaw ko nga! Hanggang Comment na lang sila."

#FacebookVsTumblr #Like #Love

*****

Tumblr post by: AngCuteNgPokemon

FRUIT GAME
Apple: I look like a human heart.
Mango: I look like a human stomach.
Grapes: I look like human eyes.
Banana: I don't like this game.

#BadGame #ForYourDirtyMind #Banana

***

Tumblr post by: TheyLoveMeCauseImHot

Angel of MineWhere stories live. Discover now