Ikadalawampu't Siyam na Kabanata

394 19 4
                                    

Mahigit isang buwan na ang lumipas simula noong magbakasyon kami sa Quezon at isang buwan na ring hindi nagpapakita at hindi nagpaparamdam sa akin si Gelo. Hindi ko na rin siya nakikita sa school kasi ayon sa mga kaklase niya noong nakaraang semester ay hindi siya nag-enrol. At dahil sobrang nababaliw na ako kaka-isip sa kanya ay minabuting kong puntahan na siya sa tinitirhan nila ni Carl kahapon.

Ngunit sobra akong nalungkot nang malaman at datnan kong wala na sila sa lugar na iyon. Ayaw ko mang isipin pero malinaw na malinaw na iniiwasan ako ni Gelo. Dahil hindi ko maunawaan ang nangyayari ay lubusan kong inisip ang mga huling araw na magkasama kami para malaman ko kung ano bang rason para iwasan niya ako.

Paulit-ulit akong nag-isip at wala pa rin akong nakuhang dahilan upang iwasan niya ako. Noong unang araw namin sa probinsya nila ay kasama ko lang siya at ang buong pamilya niya. Nag-usap-usap lang naman kami noong gabing iyon. The next day ay nagtampisaw lang kami sa tabing dagat at naglibut-libot sa ilang magagandang pasyalan at tanawing tinataglay ng Tagkawayan. Noong ikatlong araw naman ay nagsama-sama silang magkakamag-anak, syempre kasama ako. Noon naman ay nagkantahan, nagsayawan at nagkasiyahan lang kami. Sa tatlong araw na bakasyon namin sa Quezon ay wala akong natatandaan na sinabihan ko siya ng hindi magandang bagay. Wala akong natatandaang sinabihan ko siya ng mga salitang pwede niyang ikagalit. Sa buong bakasyon nga ay masaya kaming magkasama kaya wala talaga akong nakikitang rason para ikagalit niya at layuan ako nang ganito.

"Joyce! Answer my call. My goodness!" naiinis kong sinabi habang hinihintay kong sagutin ni Joyce ang Skype video call ko.

Naiinis lang ako kasi sabi niya mag-video call kami tapos ngayong tinatawagan ko na siya ay ayaw niya namang sagutin. Argh! Kaasar.

Makalipas ng ilang minutong paghihintay ay sa wakas, sinagot na rin ni Joyce ang video call ko.

"Hi Bes! Kumusta? Teka, ba't ganyan 'yang mukha mo? Bakit parang malungkot ka?" tanong ni Joyce pagsagot niya ng tawag ko.

"Wala! Naiinis lang ako," sagot ko naman.

"Saan? Sa matagal kong pagsagot o sa hindi pagpaparamdam sa 'yo ni Gelo?" tanong niya ulit.

"Pareho! Teka, paano mo nalaman 'yung pag-iwas sa akin ni Gelo?" pagtataka ko.

"Ha? S-syempre! Bestfriend mo 'ko kaya natural lang na alam ko!" dipensa niya na bahagyang nautal.

Napabuntong-hininga na lang ako sa puntong iyon dala ng sobrang kalungkutan.

"Eh ano ba kasing nangyari?" tanong bigla ni Joyce.

"Ewan ko ba sa kanya! Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako iniiwasan. Wala man lang siyang iniwang clue kung bakit niya ako nilalayuan. Wala naman akong Ebola. Regular naman akong nagto-toothbrush at nagma-mouthwash! Wala naman akong putok," paliwanag ko.

"Kapag iniwan, mabaho agad? Hindi ba pwedeng nagtatampo lang?"

"At ano namang ikakatampo niya?" mabilis kong tanong.

"Aba'y ewan ko! Kayo itong palaging magkasama tapos ako itong malayo sa inyo ang tatanungin mo? Tsh!" bulyaw ni Joyce. "Eh baka naman may nasabi kang ikinainis niya kaya umiiwas siya sa 'yo?"

"Wala naman, eh. Hindi naman pwedeng nagalit na siya dahil sa pagtatanong ko kung anong status namin. Kung kami ba o hindi. Sobrang babaw naman kung iyon ang rason," naiirita kong sagot.

"Tinanong mo talaga 'yon?" gulat na tanong ni Joyce.

"Oo! Mali ba?" tanong ko din pabalik.

"Hindi naman. Nagulat lang ako kasi sa pagkakaalam ko wala sa vocabulary mo ang mga salitang iyon. Pero alam mo, sa ikinikilos mo ngayon ay masasabi kong mahal na mahal mo na talaga si Gelo. Come to think of it, ang mataray na si Angel ay nagawa niyang pagtanungin ng ganung ka-intense na mga salita? Oh, come on! Sobrang makapangyarihan talaga ang salitang pag-ibig," pang-aasar ni Joyce.

Angel of Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن