Ikaapat na Kabanata

509 22 3
                                    

Apat na araw ang nagdaan. Ibig sabihin ay apat na araw ko na ring iniiwasan si Ethan dulot ng matinding kahihiyan. Sa tuwing kumakain kami ni Joyce sa Food Point ay palaging mabilis upang hindi niya kami makita at maabutan doon. At dahil hindi na namin nagagawang tumambay sa Food Point, ang Computer Laboratory na bagong tagpuan namin ni Joyce.

Si Ethan kasi ay hindi mahilig gumamit ng computer hindi gaya ng ibang lalaki. Hahawak lang siya nito kapag kailangan sa iskuwela katulad ng paggawa ng PowerPoint presentation, mag-type ng documents sa MS Word at MS Excel, at iba pa. Kaya nga ang lakas ng loob kong i-post ang mga larawan namin sa Tumblr account ko dahil nakatitiyak akong wala siya nito. Ngunit may Facebook naman si Ethan. Ang problema nga lang ay bibihira niya lang din itong buksan. Oh! Anong masasabi ninyo? Mahusay na ba akong stalker?

Subalit ngayong araw na ito ay nakasisiguro akong hindi ko na siya maiiwasan pa dahil Sabado ngayon, ibig sabihin ay may Philippine Literature class kami. Lagot!

Natural, pagpasok ko ng classroom ay umarte ako nang normal dahil nandoon si Ethan. Sinikap kong huwag siyang pansinin ngunit makulit talaga itong kaibigan kong mahal na mahal ko. Paano ko nasabi? Pagkaupo ko kasi sa upuan ko ay nilapitan niya agad ako at saka niya ako kinausap.

"Angel, kumusta ka na? Okay na ba 'yong family problem ninyo?" tanong ni Ethan sa akin.

"Ha? 'Yon ba? Ah, oo. O-okay na," nauutal kong sagot.

"Ayos! Mabuti naman kung gano'n," sabi niya nang nakangiti.

Oh my goodness! Bakit ba ngiti siya nang ngiti sa tuwing kaharap ako? Nakakataranta tuloy.

At dahil nga ngumiti siya sa akin ay ngumiti rin ako nang pilit pabalik sa kanya.

"Hmmn, siya nga pala. Alam mo na bang sasali ako sa nalalapit na pageant ng Foundation Day?" tanong niya pagkaraan.

"Ah, oo. Nasabi na 'yon sa 'kin ni Joyce," sagot ko.

"Good! So dapat nandoon kayo, ha? Kailangan ko syempre ng suporta mula sa mga matatalik kong kaibigan," sabi ni Ethan sabay akbay sa akin.

Jusko! Bakit kailangan pa niyang ipatong ang braso niya sa balikat ko? Bakit kailangan pa niya akong akbayan? Siguradong mas mahihirapan akong pigilan itong nararamdaman ko.

"Syempre naman," sagot ko habang pilit na itinatago ang kilig.

Patuloy lang kaming nag-usap ni Ethan sa puntong iyon. Sobra nga akong nagtataka kasi parang hindi niya alam na gusto ko siya. Parang wala lang sa kanya ang nalaman niyang lihim kong pagtingin sapagkat hindi nagbago ang pagturing niya sa akin bilang kaibigan. At ipinagpapasalamat ko na ganoon ang nangyari dahil hindi ko na kakailanganin pang umiwas. At hindi na rin ako dapat pang mailang sa kanya. Siguro.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Tatlong araw na lang bago matapos ang buwan ng Enero. Kaming tatlo na lang nina Joyce at Derick ang madalas na nagkikita dahil masyadong nagiging abala si Ethan sa pag-aaral, abala sa pagpa-praktis ng basketball dahil kasali siya sa basketball team ng school, at abala rin siya sa paghahanda para sa pageant ng Foundation Day na gaganapin na bukas.

Kahit hindi ko na madalas na nakaka-usap si Ethan ay alam ko pa rin ang mga nangyayari sa kanya dahil kinukuwentuhan pa rin ako ni Joyce ng mga bagay na patungkol sa kanya. Sa katunayan ay papunta ako sa Food Point ngayon dahil may sasabihin daw siyang napaka-importanteng balita sa akin tungkol sa lalaking iniibig ko. Pinagmamadali niya pa nga ako kaya naman tumatakbo na ako patungo sa paborito naming tagpuan.

Nasa pintuan pa lang ako ng Food Point nang makarinig na ako ng napakalakas na sigaw. Agad ko namang nakilala kung kaninong boses iyon. Si Joyce ang sumisigaw at ang nakakaloka pa rito ay sinisigaw niya ang pangalan ko.

Angel of MineWhere stories live. Discover now