Ikalabinsiyam na Kabanata

367 17 3
                                    

September 8, 2014.

Sa araw na ito ay may nabago sa buhay ko nang hindi ko inaasahan. Hindi na ako ngayon kabilang sa club ng NBSB because I'm now officially Ethan's girlfriend. How should I say it? Is it a dream come true? A wish granted? Or a painful commitment? Ang gulo kasi nitong feeling ko. Alam mo 'yung feeling na sobra akong natutuwa dahil finally, natupad na ang gusto ko pero may takot na namumuo sa akin kasi hindi ko maialis sa isipan ko na parang panakip-butas lang ako.

Aminado naman ako na naging desperado ako sa pagtanggap ko kay Ethan dahil napansin lang niya ako nang magkahiwalay sila ni Lily. Kung hindi pa siya iniwan nito at nakatagpo ng mas gwapo, mas mayaman at mas sikat na lalaki kaysa sa kanya ay hindi sana ako maaalala ni Ethan. Masakit ito para sa akin pero masisisi ninyo ba ako na tanggapin ko siya nang ganito kabilis? Pwede ko bang itanggi ang katotohanan na siya lang palagi at wala nang ibang laman ang puso ko? At ngayong kailangan niya ako, ngayong kumakatok siya sa puso ko, tatalikuran ko ba siya? Magpapakipot pa ba ako?

Nakaupo lang ako ngayon sa kama ko matapos tumawag ni Ethan. Mixed emotions pa rin ang nararamdaman ko ngayon gaya ng ikinuwento ko sa inyo. Ewan ko ba kung bakit. Siguro nadala lang ako nang mabilis na pagtanggap ko sa pinapangarap kong maging nobyo.

Makalipas lang ang ilang sandali ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Bebe girl, may bisita ka!" sabi ni Ate Len pagkabukas niya ng pinto.

Agad naman akong nagtaka sa sinabi ni Ate Len. Bisita? Sa gabi? Ugh!

"Sige po. Bababa na ako, pakisabi!" sagot ko tapos lumabas na si Ate Len.

Ilang sandali lang ang pinalipas ko bago ako tuluyang bumaba para harapin 'yung bisita ko daw.

Pagkababa ko ay sobrang nagulat ako sa nakita ko kaya dahan-dahan lang akong lumapit sa kanya.

"Hi!" pagbati ni Ethan sabay ngiti.

"Hi din!" medyo nahihiya kong sagot.

Ang gwapo ni Ethan. Ang formal ng suot niya tapos ang bangu-bango niya pa. My gad! I don't know what to do. Ewan pero sobrang nahihiya na naiilang ako. Parang sobra akong nahihirapang magsalita. Amp! Kainis.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ko nagawang makapagsalita uli.

"Ano nga palang sadya mo?" medyo nahihiya kong tanong.

"Ah... Eh... Aayain sana kitang kumain sa labas. Okay lang ba?" nahihiya niya ring sinabi.

"Pwede naman. Ah, sige. Magbibihis lang ako."

"Sige," sagot niya tapos umakyat na uli ako sa kwarto ko para magbihis.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad kong sinara ang pinto at sumadal sa likod nito. OMGASDFGHJKL! Kinikilig ako! Parang hindi ako makapaniwalang may boyfriend na ako. At ang nakakakilig pa dito ay nag-effort pa siyang pumunta dito para ayain akong kumain sa labas. Kyaaa! Super nakakakilig.

Matapos kong maglandi sa likod ng pintuan ay nagbihis na din ako. Syempre, nakasuot ng formal ang boyfriend ko kaya naman nagsuot din ako ng formal dress. Emegesh! Nae-excite tuloy ako. Yieee!

Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumaba na ako para katagpuin ang boyfriend ko. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako.

"Tara na," wika ko.

Matapos kong sabihin iyon ay nagsimula na siyang maglakad palabas. Medyo nalungkot ako dahil hindi man lang niya inilagay ang kamay ko sa braso niya. O kaya ay hinawakan man lang niya sana ang kamay ko. Pero baka nakalimutan niya lang kasi bago palang naman itong relasyon namin. Hindi lang siguro siya sanay.

Angel of Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن