Ikadalawampu't Dalawang Kabanata

345 16 0
                                    

Limang araw na ang lumipas at nananatiling cold ang relationship namin ni Ethan. Wala, eh! Parang ayaw talagang mag-work ng relationship namin kahit anong gawin ko. Nag-effort na ako't lahat-lahat, wala pa ring nagbago. Minsan, kahit na nga alam kong magmumukha akong tanga ay itutuloy ko pa rin para lang sa relasyong ito. At noong araw na nag-effort ako ay hindi niya pa rin ito na-appreciate. Imbes nga na i-appreciate niya ang mga effort ko ay nagawa pa niyang magsinungaling. See? Paanong magiging maayos ang relasyon namin kung 'yung partner ko mismo ang parang nagtataboy sa akin palayo.

Okay. Kapag walang tao, sweet siya sa akin kahit papaano pero kapag may mga tao na sa paligid, parang hindi na kami. Parang wala kaming commitment. Parang kaming dalawa nga lang yata ang nakakaalam sa relasyon namin. Ewan! Ikinahihiya niya yata ako.

At sa loob ng lumipas na limang araw ay nakuntento na akong si Gelo ang kasakasama ko. Mas natutuwa pa nga akong si Gelo ang nakakasama ko araw-araw kasi kapag siya ang kasama ko, ang saya-saya ko. Mabuti pa nga si Gelo napapatawa ako kapag kasama ko. Pero si Ethan, sobrang bihira ko na nga lang makasama, hindi pa ako napapatawa.

Pagkarating si Gelo ay lumabas na ako ng bahay at sabay kaming naglakad papasok sa school. Ganito kami araw-araw, lagi kaming sabay na naglalakad habang masayang nag-uusap at nagkululitan. At kapag si Gelo ang kasama ko, lumalabas ang pagkasadista ko. Lagi ko siyang nahahampas sa braso niya sa tuwing aasarin niya ako. Mapang-asar kasi talaga siya, eh ako medyo pikon. Medyo lang, ha! Hahaha.

"May tanong ako," sabi ni Gelo kaya napaharap ako sa kanya.

"Ano 'yon?" sagot ko.

"Bakit hindi ka na naaasiwa sa 'kin? Kasi dati, kung iwasan mo 'ko, parang ang bahu-baho ko. Para akong may sakit kung itaboy mo 'ko dati. Pero ba't ngayon, parang hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo 'ko makikita?" tanong niya.

"Kapal mo!" sabi ko sabay hampas sa braso niya pero tinawanan niya lang ako. "Excuse me, makukumpleto ang araw ko kahit hindi kita makita!" pasaring ko pa.

"Napaka-depensive mo naman. Feeling ko tuloy pumanget ako nang slight," natatawa niyang sinabi.

"Hindi lang slight, pangit ka talaga!" sabi ko naman.

"Ouch! Sakit naman lalo't sa 'yo nanggaling," sabi niya naman na nagpapaawa effect pa. "Pero 'yung totoo nga, bakit hindi ka na naaasiwa sa akin?" tanong niya nang siryoso.

"Ewan ko nga, eh. Basta, isang araw nagising na lang ako na kaibigan na kita," sagot ko.

"Asus! Ayaw mo pang aminin na gwapung-gwapo ka sa akin at gusto mo na rin ako. Dine-deny mo pa," sabi niya naman.

"Ang kapal nito!" sabi ko sabay palo ulit sa braso niya.

"Aray ko! Nakakarami ka na, ha?" sabi niya habang hinihimas 'yung braso niya. Napalakas yata ang palo ko. Hehehe!

"Feelingero ka kasi, eh!" sabi ko sabay irap.

"Pero sana isang araw, magising ka na lang na mahal mo na 'ko," sabi bigla ni Gelo na medyo mahina kaya hindi ko narinig.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Wala!" sagot niya.

"Ewan ko sa 'yo. Bahala ka na nga diyan," sabi ko na lang tapos ay binilisan ko na ang paglalakad ko. Ang bagal niya kasi, eh! Ang harot-harot niya pa, eh male-late na kami.

Pagkarating namin sa school ay dumiresto na agad ako sa classroom ko. Si Gelo naiwan doon sa may school park. Mamaya pa daw kasi ang klase niya kaya doon na lang daw muna siya. Buang! Sinabayan niya lang ako sa pagpasok. Nakakahiya tuloy sa kanya. Eh hindi naman niya kasi sinabing hindi pala sabay ang oras namin ngayon. Psh!

Natapos ang three hours na klase namin sa Operating System. Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas ng classroom para hanapin si Gelo kasi sobrang nagugutom na ako. Nakita ko naman siya na nandoon pa rin sa park na kinauupuan niya kanina. Wow! Late na ngang nag-start ang klase nila tapos ang aga pa nilang pinalabas. Swerte nila, ah! Kainggit.

"Hoy Gelo! Ano 'yang ginagawa mo?" tanong ko paglapit ko sa kanya.

"Uy! Nandiyan ka na pala," sabi niya paglingon niya sa akin. "Ito ba? Gumagawa ako ng kanta. Project namin para sa finals."

"Alam mo Gelo mamaya 'to. Kain muna tayo dahil sobrang nagugutom na 'ko," sabi ko habang nililigpit ang gamit niya.

Nang matapos kong ligpitin ang gamit niya ay ibinigay ko ang mga iyon sa kanya saka ko siya hinila papuntang labasan.

Yeah! Lagi na kaming kumakain sa carinderia sa labas ni Gelo. Dito daw siya laging kumakain kasi masasarap daw ang mga pagkain sa carinderiang ito. Noong natikman ko nga ang mga pagkain dito ay sobrang nasarapan din ako kaya dito na kami laging kumakain.

"Angel, pwedeng favor?" tanong bigla ni Gelo habang kumakain kami.

"Sure! Basta kaya ko," sagot ko.

"Nakita mo naman siguro 'yung kantang ginagawa ko kanina, 'di ba?" tanong niya.

Tumango naman ako bilang sagot pagkaraan.

"Pwede bang ikaw ang kumanta ng kantang iyon?" pakiusap niya.

"Ha?!" gulat kong tanong.

"Huwag kang mag-alala, ituturo ko naman sa 'yo ang tono ng kantang iyon at saka nagawa ko na rin 'yon ng tugtog. 'Yung kakanta na lang talaga ang kulang. Please, tulungan mo na naman ako sa project ko, PLEASE?!" sabi niya with matching beautiful eyes and praying hands.

Emegesh! Ilalabas ko na naman ba ang singing powers ko? Haaay! Sige na nga. Para naman ito sa project ng kaibigan ko. Sabi nga nila, dapat gamitin ang talentong ibinigay ng Maykapal sa pagtulong sa kapwa at sa paggawa ng tama. Kaya iyon ang gagawin. I will help Gelo. Dahil lagi naman niya akong pinapasaya at sinasamahan, I guess it's the right time to return the favor.

"Okay, fine. Sige, tutulungan kita!" sagot ko.

"YES! SALAMAT!" sigaw ni Gelo kaya napatingin sa amin ang lahat ng kumakain dito.

"Hoy! Para kang sira! 'Wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya," sermon ko sa kanya.

"Sorry! Nabigla lang ako. Thank you talaga," sabi niya naman.

"Basta! 'Wag mo 'kong sisisihin kapag bumagsak ka, ah!" pabiro kong sinabi.

"Oo naman. Peksman!" tugon niya.

Ayan. May pauusuhin na naman siyang word. Peksman. Psh!

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay bumalik na kami sa school kasi may klase pa ako. Si Gelo. Mamaya pa daw uli klase niya kaya naiwan uli siya sa park. Edi siya na maswerte! Tsss.

Two subjects pa ang bubunuin ko today. But the good news is tig-1 hour na lang ang bawag subject kasi hindi naman sila major, so that means na 2 hours na lang akong magtatagal dito sa school.

Eventually, natapos na ang dalawang nakakatamad na oras. Yes! Uwian na. Sa wakas.

Pagbalik ko sa park ng school ay nandoon pa rin si Gelo. Ano ba? Bakit lagi niya akong nauunahang pumunta dito sa park? Well, okay na rin iyon. At least, hindi ko na kailangan pang maghintay.

Kagaya ng palagi naming ginagawa ay sabay kaming naglakad pauwi. Ganoon pa rin, nagkukulitan at nagtatawanan kami habang naglalakad. Ewan ko ba. Lahat na yata ng kakulitan sa mundo ay napunta kay Gelo. Hindi siya nauubusan ng kulit, eh. Tsk!

Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay nagpaalamanan na kami sa isa't isa. Ang kulit niya nga, eh. Nagbaba-bye siya pero hindi naman umalis. Parang ewan lang. Ang kulit niya talaga. Sobra!

Napag-desisyon namin ni Gelo na bukas at sa Linggo ay papraktisin namin 'yung ginawa niyang kanta. Buang talaga itong lalaki na ito. Binigla ako! This Monday ko na pala ipe-perform ang ginawa niyang kanta. Grrr!

Pagkaalis niya ay pumasok na ako ng bahay. Dumiresto ako sa kwarto ko at binuksan ko ang laptop. Nagbasa-basa lang ako at syempre nag-reblog din ng posts sa Tumblr.

*****

Tumblr post by: HeyWakeUp
Reblogged by: AngelOnTheBlog

"Why do you keep on wasting your time getting hurt by someone when there's someone else out there waiting to make you happy?"

#TimeIsGold #SomeoneElse #Waste

Angel of MineWhere stories live. Discover now