Ikaunang Kabanata

1.2K 27 14
                                    

Photo Feed: Meet Angel

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Photo Feed: Meet Angel

*****

"Bes, wala ka ba talagang balak magkaro'n ng boyfriend?" biglang tanong sa akin ni Joyce habang kumakain kami rito sa Food Point, pangalan ng school canteen.

"Bes, alam ko namang kilala mo kung sinong gusto ko, 'di ba?" sagot ko.

"Iyon na nga. Bakit kasi hindi mo pa aminin ang feelings mo para sa kanya? Siguro hindi lang natin alam pero baka gusto ka rin niya?" sabi pa ni Joyce.

"Siguro. Baka. Diyan pa lang sa mga salitang binitiwan mo ay alam na nating dalawa na ilusyon lang 'yon at hindi maaaring magkakatotoo kailanman," tugon ko.

"Bes, 'wag ka munang mawalan ng pag-asa dahil hindi pa tayo sigurado riyan. Alam naman nating dalawa na tulog lang ang puso ng Ethan mo dahil puro aral, barkada, at basketball lang talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. Wala pa lang siguro talaga sa vocabulary niya ang salitang pag-ibig," pagliwanag ni Joyce na iginalaw pa ang mga kamay upang mabigyang-diin niya ang salitang pag-ibig.

Pinili kong hindi na magsalita sa puntong iyon. Sa halip ay inirapan ko lang siya para ipahiwatig na hindi ko nagugustuhan ang kanyang mga sinasabi.

"Umamin ka na kasi, Bes. Anong malay natin, baka ikaw pa ang makagising sa puso niya," pangungumbinse niyang muli pagkalipas ng ilang sandali.

"Ayaw ko nga. Isa pa, bakit ako ang aamin? Bes, babae ako kaya hindi dapat sa 'kin magmula ang first move. Hindi dapat ako ang unang magpakita ng motibo. Gets mo?" mataray kong sagot sa kanya.

"Bes, hello? Nasa new generation na tayo kaya hindi na uso ang pa-Maria Clara effect mo. 19 kopong-kopong pa kaya 'yon, and that's so luma. Come on, Bes. Grow up!" pang-aasar niya.

"Whatever," sagot ko na lang upang matigil na itong walang kakuwenta-kuwentang usapan namin.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay muling nagsalita si Joyce. At sa pagkakataong iyon ay nanlaki nang husto ang mata niya habang nakatingin siya sa bandang likuran ko.

"OMG, Angel! Here comes your knight in shining armor!" sabi niya na may halong pagkataranta.

Matapos kong marinig ang mga salitang iyon mula kay Joyce ay kusang nanlaki ang mga mata ko na sinabayan pa ng matinding kaba. Jusko! Ang baliw kong puso ay tumatalon na naman dahil sa sobrang kagalakan. At heto nang muli ang mga letcheng paro-paro sa tiyan ko na hindi mapakali. Mali ito. Hindi dapat ito nangyayari.

Hindi nagtagal ay tuluyan na nga silang dumating dito sa upuang nasa tabi namin ni Joyce. Oo, "sila" ang salitang dapat na gamitin dahil kasama ni Ethan si Derick kaya sa oras na ito ay muling nabuo ang grupo naming E4 or Elite 4. Why elite? It is because we are selected as the best, and we received superior intellectual and social status here on our campus. O sa madaling salita, sikat kaming apat sa buong school. Ngunit kilala kami sa campus sa mabuti at masamang paraan. Paano? Sige. Hayaan ninyong ikuwento ko sa inyo ang mga ito.

Angel of MineDove le storie prendono vita. Scoprilo ora