Ikatlong Kabanata

649 24 8
                                    

Photo Feed: Meet Gelo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Photo Feed: Meet Gelo

*****

Lunes na ngayong araw subalit hanggang ngayon ay wala pa ring pagsidlan ang ligaya sa puso ko dulot ng mga litratong kuha ni Joyce kahapon. At sa tuwing pagmamasdan ko ang mga iyon, pakiramdam ko ay nasa iisang relasyon lang kami ni Ethan at tunay na nag-iibigan. Hindi naman masamang mag-ilusyon, hindi ba? Kaya pagbigyan ninyo na ako.

At dahil Lunes nga ngayon, wala kaming Philippine Literature class. Ibig sabihin ay hindi ko na naman makikita at makakasama sa iisang classroom si Ethan. Tuwing Sabado lang kasi ang tatlong oras na klase namin sa Philippine Literature. Kaya naman palagi kong ipinagdarasal na Sabado na lang sana araw-araw upang makasama ko siya nang mas madalas.

Ngayon ay papunta ako ng Food Point para tagpuin si Joyce. Subalit bigla kong nakasalubong si Gelo, ang pinaka-makisig sa lahat ng manliligaw ko. Oo, gwapo talaga ang mukha nitong Gelo na ito. Ang problema nga lang ay hindi siya masyadong malinis tingnan. Hindi siya mabango, mahaba at makapal ang buhok niya, at hindi ko rin alam kung bakit madalas na lukot ang uniporme niya. Isa pa, makulit siya, sobrang kulit. Ngunit pogi talaga si Gelo kung pagmamasdang maigi.

Gusto ko lang linawin na hindi ko type si Gelo, okay? Si Joyce lamang ang may crush sa kanya. Ngunit huwag kayong mag-alala, humahanga lang naman ang best friend ko kay Gelo. Nakasisiguro akong tapat si Joyce sa boyfriend niyang si Glenn. Ewan ko nga ba rito kay Gelo, kahit ilang beses ko na siyang binabasted at dinededma ay patuloy pa rin siyang nangungulit at nanliligaw. Sana ay magsawa at mapagod na rin siya sa lalong madaling panahon.

"Hi, Angel!" pagbati ni Gelo subalit inirapan ko lamang siya at patuloy na naglakad.

Ngunit gaya nga ng nabanggit ko sa inyo ay sobrang makulit ang lalaking ito kaya wala pang limang segundo nang muli itong magsalita.

"Sa'n ka papunta? Sa Food Point ba? Gusto mo bang ihatid na kita?" pagpe-presinta niya habang sinusundan akong maglakad.

"P'wede ba? Leave me alone! Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako baldado," pagsusungit ko tapos ay lumakad na akong muli.

"Grabe naman. Masungit ka pa rin sa 'kin," mahina niyang sinabi habang sinusundan pa rin ako.

"At ikaw naman, makulit pa rin," pasaring ko sa kanya.

Matapos kong sabihin iyon ay lumiko na ako dahil dito ang daan papunta sa Food Point. Mabuti na lamang at hindi na ako sinundan pa ni Gelo. Pero bago siya naglakad pabalik ay sumigaw siya.

"Ingat ka. See you later, my Angel!"

"Kahit 'wag na!" sigaw ko rin nang nakatalikod sa kanya na tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Nang makarating ako sa Food Point ay natanaw ko agad si Joyce na nakaupo sa paborito naming puwesto rito, sa may pinakadulong upuan sa bandang kanan. Paglapit ko sa kanya ay umupo agad ako sa upuang kaharap niya.

Angel of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon