Ikawalong Kabanata

472 16 0
                                    

Photo Feed: Meet Joyce

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Photo Feed: Meet Joyce

*****

"Bes, ang ibig mo bang sabihin ay tuso si Lily? Na niloloko niya lang ang kaibigan nating si Ethan?" hindi makapaniwalang tanong ni sa akin Joyce matapos kong isiwalat sa kanya ang lahat ng narinig ko.

"Natumbok mo, Bes. Napakagaling niyang maglaro ng damdamin. Masyado niyang inabuso ang pagmamahal ni Ethan para sa kanya. Porket alam niyang mahal na mahal siya ng kaibigan natin ay nagagawa niyang paikutin ang isipan nito. Nakakainis siya. Ang sarap niyang kalbuhin!" kuwento ko pa.

"Wow! Grabe. Hindi ako makapaniwalang gano'n kasama ang ugali niya. Sayang. Ang ganda niya pa naman," pailing-iling na sabi ni Joyce.

"Bes, ano sa tingin mo? Dapat bang sabihin ko kay Ethan na niloloko lang siya ni Lily?" seryoso kong tanong sa kanya.

"I would suggest na 'wag na lang muna. Kailangan muna natin itong pag-isipan nang mabuti, kung paano natin ito sasabihin sa kanya. Kailangan din natin ng kongkretong ebidensya para makumbinse ang tropa natin. Baka ikaw lang ang maipit sa sitwasyon kung magpapadalos-dalos tayo," sagot ni Joyce matapos humigop sa Taro Shake niya.

"Sabagay. May point ka riyan," pagsang-ayon ko naman.

Nandito pala kami ngayon sa Insert Dessert, the house of desserts. Madadaanan itong resto na ito pauwi sa subdivision namin. Dito na namin napiling mag-chikahan at magpalamig ni Joyce dahil masyadong mabigat at mainit ang tsismis na nalaman at dala-dala ko.

Pagkatapos naming inumin ang kanya-kanya naming Taro Shake ay naglakad na kami pauwi. Malapit lang naman ang subdivision namin sa school, kaya naman madalas ay naglalakad na lamang kami papasok at pauwi. Ayaw ko namang magpahatid sa driver namin dahil gusto kong sulitin ang pakikipag-bonding sa mga kaibigan ko. At isa pa, hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Tiyak na mababagot lamang ako sa bahay kaya naman hindi ko talaga gustong magpahatid-sundo sa driver namin.

Gaya ng nakagawian ay diretso akong pumasok sa kuwarto ko pagkauwi ng bahay. Nang makapag-ayos ako ng aking sarili ay binuksan ko agad ang laptop ko, at saka ko pinuntahan ang Tumblr account ko upang magbasa-basa ng posts sa dashboard ko. Nang matapos ako ay kumain na ako ng hapunan at natulog na rin ako hindi kalaunan. Gusto kong ipikit at ipahinga na lamang nang tuluyan ang inis na nararamdaman ko kay Lily, ganoon na rin sa sakit na nadarama nitong bigo at talunan kong puso.

Maaga ang pasok ko ngayong araw ng Martes. At ang masama pa rito ay nakalimutan kong mag-set ng alarm kagabi, kaya ngayon ay nagkukumahog akong kumilos dahil ilang minuto na lamang ay mahuhuli na ako sa klase ko. Kaasar!

Sa kabutihang palad ay nag-a-attendance pa lamang ang professor namin sa Earth Science nang makarating ako ng classroom. Napakapalad ko dahil nasa letter E na apelyido pa lamang siya kaya nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lamang at letter P pa ang surname ko.

Angel of MineOnde histórias criam vida. Descubra agora