Ikasiyam na Kabanata

488 16 1
                                    

Photo Feed: Meet Angel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Photo Feed: Meet Angel

*****

"Yes!"

Iyon ang naging sagot ni Lily kaya naman tumayo na si Ethan sa puntong iyon at saka sila nagyakapan, dalihan upang maghiyawan at magpalakpakan nang mas malakas ang mga estudyanteng nakapalibot sa stage kung nasaan sila.

"Kiss! Kiss!"

Ganyan ang sumunod na isinigaw ng mga estudyante kaya naman napatitig sina Lily at Ethan sa isa't isa. Pagkaraan ay nagngitian sila na parang gusto nilang pagbigyan ang hinihiling ng madla sa kanila. Hindi nagtagal ay unti-unting inilapit ni Ethan ang mukha niya sa mukha ni Lily.

Magdidikit na sana ang labi nilang dalawa sa pagkakataong iyon subalit biglang may nagtakip ng mga mata ko.

"Huwag mo nang tingnan. Lalo ka lang masasaktan niyan sa ginagawa mo," sabi ni Gelo. Natural ay dahil sa boses kaya nalaman kong si Gelo itong nagtatakip ng mata ko.

Matapos niyang sabihin iyon ay narinig kong naghiyawan ang mga estudyante kaya agad kong inalis ang mga kamay ni Gelo na nasa mga mata ko. Ngunit huli na ang lahat dahil tapos nang hagkan ni Ethan si Lily nang matanggal ko ang mga kamay niya.

"Eh sino bang nagsabi sa 'yong nasasaktan ako?" mataray kong tanong kay Gelo matapos niyang pumuwesto sa tabi ko.

"Asus. Nag-deny pa," sabi niya.

Nang marinig ko iyon mula sa kanya ay siniko ko siya sa may bandang tiyan niya.

"Aray! Bakit? Totoo naman 'yong sinasabi ko, 'di ba?" dipensa niya na hinihimas-himas pa ang tiyan niya.

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Gelo ang tungkol dito. Pihadong hindi nanggaling sa mga kaibigan ko ang impormasyong nalaman niya. Ang tanging hinala ko na lamang ay kung ito ba ay nababakas niya sa mukha o galaw ko.

"Totoo namang nasasaktan ka. Halata naman kasi sa mga mata mo," dagdag pa niya kaya sa puntong iyon ay inirapan ko siya saka ako tumingin muli sa stage kung nasaan si Ethan.

Nakamamanghang nasagot niya ang tanong sa isipan ko. Ganoon ba kahalata ang nararamdaman at pagtingin ko kay Ethan upang makita ito ni Gelo gamit ang mga mata ko?

"Anong pinagsasabi mo?" pagtanggi ko habang nakatingin pa rin sa stage.

"Kapag mahal mo ang isang tao, sa tingin pa lang niya ay alam mo na kung sino ang gusto niya. Kapag tinitigan mo siya sa mata, alam mo na kung nasasaktan ba talaga siya o hindi kahit hindi siya magsalita. At kapag mahal mo ang isang tao, sa ayaw at sa gusto mo, halos lahat ng bagay ay malalaman mo tungkol sa kanya. Parang ako sa 'yo at parang ikaw kay Ethan," mahabang paliwanag ni Gelo.

Pinili kong hindi na sumagot pa sa pagkakataong iyon dahil sa inis na aking nadarama. Dahil sa aking pakiwari ay lahat na yata ng kamalasan ngayong araw na ito ay aking nasalo. Una, hindi ko nagawang makapag-alarm at muntikan pa akong mahuli sa klase. Ikalawa, may hindi inaasahang pagsusulit kami sa Earth Science. Ikatlo, hindi nakatutuwang makitang angkinin ng iba ang lalaking nagbibigay-kulay sa aking mundo. At ikaapat, ang mainis at masira ang araw ko dahil sa pinakamakulit na lalaki sa buong mundo. Nakakaasar! Bakit kailangan pa nilang magsabay-sabay? Bakit? Akala ba nila, hindi ako nasasaktan? Anong tingin nila sa akin? Yakult na everyday okay?

Angel of MineWhere stories live. Discover now