Ikalawang Kabanata

825 24 10
                                    

Photo Feed: Meet Ethan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Photo Feed: Meet Ethan

*****

Ngayong araw ay Linggo. At gaya ng napagkasunduan ay papunta kaming Elite 4 sa simbahan upang dumalo sa misa. Napag-usapan kasi kahapon ng barkada na magkita-kita kami ngayong araw dahil wala naman kaming pasok at wala rin kaming mga takdang aralin. Isa pa, ang tagal na rin noong huling araw na lumabas kaming apat kaya ang balak ng grupo ay mamasyal pagkatapos ng misa nang sa ganoon ay makapag-bonding na rin kami.

Alas-10 ng umaga ay nagsimula na ang misa. Nang matapos ito ay diretso kaming nagtungo sa isang mall.

Katulad nang nakagawian, pagpasok sa loob ay kumain kami sa paborito naming fast-food chain, ang Jollibee. Ewan ko ba kung bakit dito nakahiligang kumain ng grupo sa tuwing mamamasyal. Marahil ay natangay kaming apat ng masasarap na pagkain dito. Masarap naman talaga kasi, walang duda.

Ang paborito kong S2 Double Go Large ang inorder ko. Hindi ko alam ngunit sarap na sarap ako sa Jolly Spaghetti. Large Fries at Large Coke ang pinakamasarap na kapares nito para sa akin. At sa tuwing kumakain ako nito ay parang nagiging bata akong muli.

Pagkatapos naming umorder ng pagkain ay umupo na kami. Ang kaharap ko sa lamesa ay si Joyce na katabi naman ni Derick, kaya naman ang kaharap ni Ethan ay si Derick. Hindi ko tiyak kung pinaglalaruan ba ako ng mga kaibigan ko dahil ang katabi ko ngayon dito sa upuan ay si Ethan. Ang babait talaga nitong mga kaibigan ko. Hindi naman halatang gusto nila akong mabisto, hindi ba?

Ilang minuto pa ang nagdaan nang dumating na ang mga binili naming pagkain. Kakainin ko na dapat itong S2 Double Go Large ko noong ilapag ng service crew ang mga inorder namin dahil medyo gutom na rin ako nang biglang tinapik ni Joyce ang kamay ko.

"Bakit?" gulat kong tanong.

"Picture first," sabi niya nang nakangiti matapos niyang ilabas mula sa bag niya ang kanyang DSLR.

Haaay. Bakit ba kasi ang hilig niyang kuhanan ng picture ang mga pagkain? O baka naman sadyang nakikiuso lang siya dahil patok ang food porn ngayon? Hindi niya ba naiisip na nagugutom na ako? Kaloka.

Hindi nagtagal ay natapos din siya sa pagkuha ng mga larawan kaya nakapagsimula na rin kaming kumain. At habang nasa kalagitnaan ako nang pagnguya ng aking Jolly Spaghetti ay nagulat na lamang ako nang biglang punasan ni Ethan ng tissue ang gilid ng lower lip ko. Natural ay hindi ko nagawang gumalaw ng sandaling iyon at hindi ko rin ikakaila na kinilig ako sa ginawa niya.

"Dahan-dahan lang kasi sa pagsubo. Tingnan mo. Nagka-sauce tuloy 'yang labi mo," paliwanag niya na ipinakita pa sa akin ang ipinamunas niyang tissue na may sauce.

"Sorry. And thank you," medyo nahihiya kong sinabi. Ngumiti lang siya sa puntong iyon at saka siya nagpatuloy na kumain.

Oh my goodness! Sobrang nakakahiya. Sana hindi siya na-turn off sa akin nang dahil doon. Nakakaloka.

Angel of MineWhere stories live. Discover now