Pangwakas

585 22 4
                                    

EsonVitug's Note:

Hello everyone! I would like to dedicated this special chapter to a very special friend of mine. mrlrys, hope you will enjoy reading this novel my friend. I will be waiting for you comments about this as well. Thank you so much for supporting. God bless!

//////////////////////////////////////////////////

Around 11pm on December 21, 2014. Ilang minuto na lang nooon bago sumapit 12am nang maging kami ni Gelo, ang pinakamakulit na taong nag-eexist sa buong mundo. At sobrang nagpapasalamat ako sa Maykapal dahil gumawa Siya ng taong iibig sa akin at hindi ko inasahang iibigin ko rin nang husto.

Alam ko, may ilan sa inyo na ayaw sa naging desisyon kong ito. Ngunit may ilang din sa inyong nagustuhan ito. Pero masisisi ninyo ba ako? Masisisi ninyo bang mahulog ako at ibigin ko nang husto si Gelo? Dapat ko ba siyang tanggihan gayong siya na ang isinisigaw ng puso ko? Dapat ba na ipinagpatuloy ko na lang na ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako mahal at hindi ko na rin mahal? Ngayong nagising na ako, magtatanga-tangahan pa ba ako? Ngayong natauhan na ako, pipiliin ko pa rin bang masaktan gayong alam ko na pwede ko namang iwasan ito?

Dahil kay Gelo, napagtanto ko na love is really blind. Bakit? Kasi ang pag-ibig ay hindi dapat nakikita, sa halip ay dapat mo itong pakiramdaman nang lubos para malaman mo kung sino talaga ang mahal mo. Hindi ka dapat magpadala sa nakikita ng iyong mga mata, bagkus damhin mo kung sino sa napakaraming tao sa mundo ang magpaparamdam sa iyo ng totoong pagmamahal. Dahil ang puso, walang mata. At kahit kailan man, hindi kakailanganin ng puso ang mata dahil ang pagkain ng ating puso ay pagmamahal at hindi katangiang pisikal.

Lahat ng katangian ni Gelo, pisikal man o emosyonal, ay gustung-gusto ko. 'Yung dahil sa sobrang kulit niya, kahit na sobrang bad mood ka ay magagawa ka niyang patawanin. 'Yung mga kilos niya na may halong katangahan pero imbes na mainis ka ay matatawa ka pa. 'Yung sobra siyang maalaga at malambing sa iyo na kahit paulit-ulit ay hinding-hindi mo pagsasawaan. 'Yung kahit kahihiwalay ninyo lang ay makikitext agad siya sa cell phone ni Carl, makumusta ka lang. 'Yung mga kawirdohan niyang taglay na magpapasaya sa iyo nang walang humpay. 'Yung kahit na hindi siya mahilig magsuklay at mag-ayos ng sarili ay nanatiling gwapo ang hitsura niya. At 'yung tipo na sa sobrang dalas ninyong magkasama kaya aakalain mong may walong araw sa loob ng isang linggo.

Binuksan ko ang Tumblr account ko at binura lahat ng laman nito. Ginawa ko ito hindi dahil galit ako kay Ethan. Nagawa man akong lokohin at saktan ni Ethan ay mananatili pa rin siyang kaibigan para sa akin. 'Yung mga hinanakit ko sa kanya, lahat iyon wala na kaya hindi siya ang dahilan kung bakit binura ko ang lahat ng posts ko sa Tumblr. Napagdesisyunan kong burahin ang lahat ng iyon dahil may bago ng nagmamay-ari ng puso ko. Panahon na para ang lalaking nagbibigay-buhay sa akin ngayon ang maging laman naman ng Tumblr ko.

Nananatiling matatag ang relasyon ngayon ni Derick at Lovely. Aba! 'Yung best friend kong gangster, marunong din palang magmahal. Happy ako dahil happy sila.

Si Joyce and Glenn ay getting stronger din. Kitang-kita naman na sobrang matured na sila kumpara dati. Kitang-kita din na masayang-masaya sila kasama ang anghel nila. Super happy ako para sa true best friend ko.

Si Ethan, wala na akong balita sa kanya simula noong huli kaming magkita. Noong araw din iyon ay isinauli ko sa kanya 'yung singsing na ibinigay niya sa akin at iyon na ang huling pagkikita namin. Kahit na hindi naging maganda ang nangyari sa aming dalawa ay nagpapasalamat pa rin ako na naging parte siya ng buhay ko.

At ako, lubusan akong nagagalak na binubuo ko ngayon ang love story ko with Gelo. Ngayon, nagkatotoo na 'yung sinabi niya sa akin na sana, magising na lang ako isang araw na mahal ko na siya. Thankful ako kasi nagising na ako at siya na ang mahal ko dahil noong araw na mangyari iyon ay araw-araw na akong masaya, lagi na rin akong ngumingiti at nahahasa ko na nang husto ang talento kong hampasin si Gelo sa tuwing kukulitin niya ako.

Being with Angelo Geronimo means everything to me. And I will never regret loving him. Hindi man siya ang perfect one na hinahangad ng karamihan, siya naman 'yung only one na hinding-hindi ko kayang iwanan. He will be the only Angel of Mine.

*****

"One of the best things in my life was knowing him. And even if I can't be the perfect girl for him, I will show him how much I appreciate him since the day I became connected to him." - Angelika Peralta

THE END!

Angel of MineWhere stories live. Discover now