Chapter 1

76 6 0
                                    

01

"Sky meron daw tayong pupuntahang school bukas ehh" biglang lumapit sa akin si Marga, kaklase ko.

"Weh? Saan naman? Bakit?" Sunod sunod na tanong ko.

"Diba nga gra-graduate na niyan tayo so parang magkakaroon tayo ng tour sa school na yun" sagot niya.

"Ahhh, pero saan nga?" Tanong ko ulit.

"Sa Stanford University" sagot niya kumunot naman ang noo ko.

"Doon lang? Ehh ang mahal ng tuition doon ahh, wala na bang iba?" sabi ko naman, ang Stanford University kasi isang college university kaso mahal ang tution, pero yun na ang pinaka magandang college na nakita ko.

"Malay ko, inimbita daw tayo ehh sabi nung ibang grade twelve diyan sa labas" sagot niya naman.

"Hindi ka naman mag jo-joke ano?" Tanong ko sumimangot naman siya.

"Hindi, basta bukas pupunta tayo, kahit tanong mo pa kay pres." Sagot niya tumawa naman ako.

"Nagbibiro lang ako, at ako ang President ng section natin, baliw" sabi ko nag roll eyes naman siya at nilayasan ako, pikon talaga.

Ilang minuto pa ay dumating ang teacher namin at may malaking ngiti sa mukha, parang nanalo sa lotto, ngayon ko lang nakitang malaki ang ngiti.

"Class I have a good news for you" sabi niya, naghiyawan naman ang lahat, halatang ayaw mag klase ay. "Tomorrow we are going to the biggest university for college, it's the Stanford University" sabi niya pa, lalo namang naghiyawan ang mga baliw, parang batang nabilhan ng candy ehh, well d ko naman sila masisisi, maganda talaga ang school na yun, pero kailangan mong maging rich kid para makapasok, saan ako kukuha ng pera? Mahirap pa ako sa daga.

"So make sure you are on your uniforms and please wear your ties" sabi niya and nagtaas pa siya ng kilay, nakatingin sa mga kaklase ko.

'Paanong hindi yun sasabihin eh hindi naman nila sinusuot yung mga tie nila, ginagawa nilang head band, ang mga lalaki naman nakalagay sa bulso, parang may buntot e.'

"Yes ma'am!!!!" Sigaw nila.

I yawned, knowing that even though na pumunta kami don, no chance na doon ako mag-aaral.

"Well, that's all, hindi na tayo mag kla-klase, just enjoy the last weeks of your high school journey, goodluck class" ngumiti siya at lumabas ng room, bumuntong-hininga naman ako.

"Ang hussle" Sabi naman ni Megan, kambal ni Marga. Nandito kami sa jeep at hindi matigil ang paghiyaw nila, ang iba nag sound trip pa. Kaming STEM ay nasa iisang jeep ang ibang strand naman ay nasa iba namang jeep, to keep it organize daw.

"Sa tingin mo maraming gwapo doon?" Tanong naman ni Claire kay Megan.

Basta talaga gwapo, active na active siya, akala mo naman may matitipuhan, eh ang taas ng standard, kahit kumapit pa siya sa lahat ng santo at sa itaas at ibaba, hindi mabibigay ang ideal man niya eh.

"Syempre, napakasikat ng university na yon, hindi pwedeng walang pogi!!" Si Marga ang sumagot.

I sighed. What's wrong with them?

"Hanap tayo!! Ini-stalk ko yung facebook page nila, ay dhai, palong-palo, ang gwa-gwapo!!" Sabay sabay silang tumili pagkatapos nun, parang iisa lang ang mga utak, at ang laman 'Pogi.'

'Mga abnormal talaga.'

"Sky, ano G ka?" Tanong nila sa akin.

"No thanks, I'm not interested" sagot ko sakanila and sumimangot naman silang tatlo at narinig kong sabay-sabay nilang bumulong 'kj'.

I'm Gonna Reach You, My Love (Romantic Series #1)Where stories live. Discover now