Chapter 8

44 4 0
                                    

08

"Sky huhu" pagiyak ni Marga at yumakap sa akin.

Natawa naman ako. Binisita kasi nila ako sa hospital, apparently, I got stabbed, collapsed and dinala ako ni Ethan sa hospital.

"Huy dahan-dahan, huwag mong panggigilan, pag yan bumukas sugat, kasalanan mo" sabi naman ni Claire na naglapag ng basket ng prutas sa may lamesa sa tabi ng kama ko.

"Kumusta ka?" sabi naman ni Megan na umupo sa tabi ng kama.

"Ayos na ako, discharge ko bukas" sagot ko naman.

Buti hindi na nila sinisisi ang mga sarili nila dahil they keep saying na it's their fault kasi hindi nila ako pinilit na ihatid that day, e ako ang nagpumilit na maglalakad nalang, ayan tuloy napapala, nasasaksak.

Lesson learned, huwag tumanggi at any cost.

"Nilipat ka ng room, building five first floor, second room, eto yung mga past lessons, kinuha ko na para sayo" abot sa akin ni Megan ng mga notes.

"Thank you, malaking tulong to" nakangiting sabi ko naman sakanya at ngumiti siya pabalik.

"Pero sure ka na bang okay ka lang Sky? Like sure na sure? Magsabi ka lang ha" paninigurado naman ni Marga at ngumiti ako ng malaki sakanya.

"Okay lang ako, atyaka nahuli na naman ying gumawa, kaya parang nawala na din yung bigat netong sugat ko" pagbibiro ko at tumawa. Mukhang hindi naman nila nagustuhan yun.

"Puro ka biro, nabalitaan din namin, hatid-sundo ka ng kuya mo niyan?" sabi naman ni Claire, tumango ako.

"Makulit siya kaya ayun, pumayag nalang ako, dagdag pa sa trabaho niya e" bumuntong-hininga ako.

"It's more than okay that I am late, atleast I can see you alive and kicking" bigla namang sumulpot si kuya kaya I gave him an apologetic smile.

"Hello po!" pagbati ng tatlo, at nginitian niya naman ang mga to.

"I brought something to eat, you can eat here too girls" sabi niya, at binigyan sila, ako naman ay inilagay niya yung table bed ko at inihapag doon ang pagkain.

"Kaya ko" pag nguso ko pa at tinignan lang ba naman ako ng masama.

"Eat a lot, you're still malnourished" tumango naman ako at kumain.

Hindi ko din alam bakit ako malnourished, I eat a lot but it seems na hindi ako nag ga-gained ng weight, dahil daw sa metabolism.

May kumatok sa pinto at binuksan yun ni Kuya.

"Excuse us" una kong nakita si Leo at kinawayan ko naman iyon, ngumiti siya sa akin.

Kasunod niya ay si Ethan, tapos si Melani at Kyle, pinakahuli kong nakita si Ericka. I already introduced them kay kuya at sa tatlo the first time na pumunta sila dito, nung nagising ako.

"How are you doing?" tanong ni Leo na umupo agad sa upuan sa tabi ng kama ko.

"I'm good" pag sagot ko naman at inalok siyang kumain pero umiling siya.

"You need to eat a lot" parang si kuya, nilapagan niya ako ng prutas sa lamesa, naka-cut na ang mga to at nakalagay sa plastic container.

"Thanks, have some, please" inusog ko pa yun sa direksyon niya. Nakita ko naman ang larton ng chocolate milk sa gilid at napa-angat ang tingin ko kay Ethan at nginitian ko siya.

"I brought some chocolates? I heard you like them" Ellaine was there, smiling at me.

"Sabi ni Leo mahilig ka sa tinapay" si Kyle, nilapag niya ang mga cookies niyang dala sa tabi ko. While Ericka gave me fruits too.

I'm Gonna Reach You, My Love (Romantic Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora