Chapter 2

57 5 0
                                    

02

"Did you pass all of the requirements?" tanong ni kuya, nandito ako sa condo niya after magpasa ng mga papel about sa scholarship sa Stanford University at dumiretso ako dito, medyo malapit lang naman.

"Hmm, sabi nila ko-kontakin nalang daw ako" sagot ko, hindi man lang ako tumingin sakanya dahil naglalaro ako sa TV niya.

"Good to know" sabi niya at tumango nalang ako dahil busy sa paglalaro. "By the way, do you wanna come with me? I'm going to a cafe, there are a lot of sweets there" dagdag niya na nakakuha naman ng atensyon ko.

"Saan? Sama ako!" agad kong ibinaba ang controller at tumayo, natawa naman siya na ikinataas ng kilay ko. "Bakit?"

"Nothing, turn off the TV first before we go" nakangiti niyang sabi, hindi ko nalang pinansin at pinatay ko iyon.

"Tara na" mabilis na sabi ko at agad na lumabas sa condo at pumunta sa may parking lot para sumakay sa kotse niya at sumunod naman siya sakin.

Nag-uusap kami habang papunta sa sinasabi niyang cafe, kinamusta ko lang siya sa trabaho niya at kung ano-ano pang random na bagay, karating din namin sa cafe, nag-order lang siya at nag-usap na kami ulit.

"Ano break na kayo?" gulat kong tanong, may long-time relationship kasi siya and ngayon malalaman kong wala na sila, syempre magugulat ako. "Anong nangyari? Bakit?" dagdag ko pa.

"It's our both decision, we ended it so we can focus on our goals" mahinhin niyang sagot na ikinaasim ng mukha ko.

"Ngek ngek mo, sabi niyo sa isa't isa gagawin niyong magkasama, tas bigla tinapos? Anong trip niyo sa buhay? Ang cute niyo pa naman" nguso ko habang ini-imagine silang dalawa.

"That's life, what's meant to be is meant to be" tinignan ko naman siya taas at baba.

"Pwede mo namang baguhin yun, ka-kornihan" nag roll-eyes pa ako pero ngumiti lang siya, parang hindi man lang siya nasaktan.

"It's meant to be like that Ky, don't mind it" sabi niya pa. I sighed and put my spoon down.

"But are you okay? I'm here, you can tell me anything" pagkompirma ko pa, lalo naman siyang ngumiti and he patted my head.

"I'm fine, and I know that, thank you" malambing niyang sagot. Ngumiti naman din ako, ever since Kuya is not a showy person talaga and hindi siya mahilig mag seek for help pero I know naman na kaya niya, on the other hand, it's nice to have someone by your side, you can talk to and lean on.

Dumating ang order namin and our topic shifted into my future. Well, kuya just started on his job din as a Engineer, pero may isa pa siyang trabaho which is sa office lang.

"I'm decided na, I will pursue architecture, and yun lang ang passion ko, kaya hindi nako mag ta-try ng iba, baka mapatagal pa ako sa pag-aaral, masyadong magastos" and ever since bata pa ako gusto ko na talaga siya, besides I like the course.

"That's fine and all, but don't limit yourself, I will support you on what you want" sagot niya, alam ko naman yon, pero okay na ako sa isa, papahirapan ko pa ba ang sarili ko?

"Hmm, okay na ako, siguro kapag nagbago ang ihip ng hangin, kokontakin nalang kita" biro ko at tumawa pa.

Umiling-iling naman siya. "Your choice" sabi niya pa at nagpatuloy kami sa pagkain. Ang sarap ng mga cakes dito at ibang pastry, nakakasusyal.

Ngayon nalang din kami lumabas ni kuya kaya sinulit na namin, katapos naming kumain ay pumunta kami sa mall para bumili ng mga bagong damit niya, at ibinili niya na rin ako ng dress para gagamitin sa graduation, puti lang naman para bumagay sa toga namin and after that hinatid niya ako pauwi, tatlong oras din yun kaya nakatulog ako, ginising niya nalang ako nung nakarating na kami.

I'm Gonna Reach You, My Love (Romantic Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora