Chapter 9

43 4 0
                                    

09

"Happy Valentine's day Sky" medyo nagulat pa ako ng batiin ko ni Kyle, sumabay siya sa akin maglakad papasok ng gate.

Malaking ngiti ang nasa mukha niya. He must've like valentine's that much.

"Happy Heart's day" bati ko naman pabalik. Since hindi naman talaga ako nag ce-celebrate ng valentine's pero araw ng mga puso kaya I kind of greet my friends and special ones.

"Anong plano mo?" tanong niya, nakangiti pa din at naka-tingin sa akin, nag hihintay ng sagot.

"Nag invite si Leo, so after class, deretso sakanila sabi niya, then uuwi na ako" sagot ko naman. Nanlaki ang mga mata niya, tinakpan ang bibig na parang gulat na gulat.

Kumunot naman ang noo ko sa reaksyon niya. Anong nakakagulat sa sinabi ko?

"Wala kang date?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Akala ko naman kung ano.

"Wala" sagot ko pa. "Kailangan ba?" tanong ko din sakanya.

"Syempre! Napaka-special kaya ng araw na to! Hay naku Sky, wala ka pang experience no? Like inosente ka pa" sabi niya naman, tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa niya. "Biro lang, pero seryoso nga?" Paninigurado niya pa.

"Oo nga, atyaka hindi ko naman kailangan yan" I replied and umiling-iling siya.

"Sa ganda mong yan walang nag-aya sayo? Akala ko inaya ka ni Leo, sabi niya inaya ka" sagot niya.

"Inaya niya ako, sa birthday ng kapatid niya, hindi date" natawa ako. Bakit naman ako aayain ni Leo na mag date? It's not that he likes me.

"Sayang naman" nanghihinayang niyang sabi tas biglang ngumiti nanaman ng malaki at tumingin sa akin na para bang may balak. "Gusto mo date tayo? Nag cancel yung ka-date ko eh" nguso niya sa huli.

"So, inaaya mo ako kasi no choice ka?" taas kilay kong tanong, nang-aasar na agad naman niyang itinanggi.

"Hindi ah! Peksman!" nag cross pa siya sa dibdib niya na lalo kong ikinatawa.

"Joke lang, pumasok ka na, mamaya nalang, bye" itinulak ko siya ng mahina lang naman papasok ng room nila dahil nasa harap na kami ng classroom niya, may balak pa atang sumama sa akin.

"Mamaya ha! Huwag mo akong ta-takasan Sky!" sigaw niya pa, tumawa lang ako at kumaway sakanya.

Kapasok ko ng room ay ibang mga mukha ang nakita ko, since iba na ang mga kaklasi ko, may nag stay naman, mas lumayo pa ang room ko.

Hindi ko din ramdam ang valentine's dahil wala namang ganap ang university, normal na araw lang para sa mga estudyante.

I'm okay with it though, since one week din akong nawala ay gusto kong maka-habol sa mga lessons namin. Ayaw kong bumagsak ngayong semester.

I was productive all day, sa recitations ay active din ako para makabawi, nag advance reading na din naman ako habang nag pa-pahinga kaya may alam ako kahit pa-paano. Lunch naman, kasama ko yung tatlo, nag kwentuhan lang kami, as usual may pare-parehong silang ganap mamayang after class. May ganap din naman ako, sinabi ko na kay Kuya, pinayagan naman ako dahil sinabi ko na sila Leo naman ang kasama ko.

And after class, tulad ng pinag-usapan namin, pupunta kami kila Leo. I'm with Ethan, supposed to be kay Leo pero kasama niya si Ericka, since yung kotse niya ay nasa repair shop, pero wala naman akong problema kahit kanino.

Naka-sandal lang ako sa upuan ng kotse niya at nakatingin sa labas, tinitigan lang ang daan. I'm still thinking about the conversation I had with Hee the other day.

I'm so lost with my thoughts when Ethan suddenly speaks.

"You're quite today" sabi niya, napa-tingin naman ako sakanya and he's looking at the road, as he should.

I'm Gonna Reach You, My Love (Romantic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon