Chapter 3

47 4 0
                                    

03

"Kuya dali na, ma le-late na tayo!" sigaw ko rito habang nagmamadaling isuot ang mga sapatos ko.

It's our graduation day, 4:55 na, saktong ala-singko ang start ng program at nagbibihis pa din siya, late na kasi ang tulog niya dahil late rin siyang naka-uwi kagabi, tinapos niya pa kasi ang trabaho niya.

"I'm coming" he yawned. Inilagay niya ang necktie niya atyaka na kami umalis, saktong kadating namin doon ay nag ma-marcha na sila kaya naman nagmadali kaming pumunta sa pwesto namin, huli naman ako sa pila ng section namin.

"Tignan mo muntik pa tayong hindi humabol at walang picture" simangot ko bago kami mag-hiwalay ng upuan.

Ang daming arte bago pa ako tinawag para sa speech ko, ngumiti akong umakyat ng stage atyaka ako tumingin sakanila.

"A pleasant evening to everyone" I greeted, I acknowledge all the teachers and the special guests in our ceremony before proceeding into my speech. "We've come a long way... malayo na pero malayo pa, as I stand here in front of you, I want to be an inspiration, motivation to all of us. This girl passed through the challenges, so I'm sure that you as well can, with the power of believing and praying, huwag matakot subukan. What's a little risks and challenges right?" I giggled then continue before ending my speech, I did some special mentions, to my beloved advisers, friends and especially kay Kuya. "Stand proud and keep on moving. Padayon!" isang malakas na palakpakan ang nangyari bago ako makababa ng stage.

I can see my friends giving me thumbs up kaya ngumiti ako at nag peace sign, kuya was there too, smiling and clapping.

Nagpatuloy pa ang program hanggang sa mag sabi na ng mga medals, biniro pa nga nila ako kung matatapos pa daw ba, kaya natawa ako. I achieved a lot. With highest honors, best in subjects and special awards from the contests I joined. Marami akong na achived, pero mas marami pa, hindi pa sapat to.

"I'm proud of you" he said after the ceremony. I hugged him. Sakanya ako dumeretso para magpasalamat, hindi naman ako masyadong nag drama pero hindi naman maiiwasan yun.

"Para sayo lahat yan!" masayang sabi ko habang inililipat ang mga medals ko sakanya, tumawa naman siya.

"This is heavy" he complained while smiling.

"Mas bibigat pa yan" biro ko pa, nagpa-picture kaming dalawa for keeps of course, he congratulated me a lot of times.

"You're doing it Ky" nakangiti niyang sabi habang hinawi niya ang buhok na napunta sa mukha ko.

"It's all thanks to you" sabi ko naman, kuya is the main reason why I am here, simula nung umalis ako sa bahay, he was the one who's taking care of me. "I couldn't thank you enough for being there, I'm glad I have you" I smiled.

"You're here because of yourself, I'm just your support system, so give yourself a credit for keeping it all together until now" he patted my head and I smile even more.

Kuya is such a sweet guy. I know he would do anything for me and that's what I wanna do too, I wanna give everything to him.

Nagpaalam ako sakanya saglit para puntahan ang mga kaibigan ko and they are already crying.

"Congrats" I smiled and patted their backs.

"Sky!! Ang galing mo, alam mo naman na proud kami sayo diba?" pag-iyak ni Marga at medyo natawa pa ako.

"Alam ko, at proud din ako sa inyo" sagot ko naman at pinunasan ang luha niya. "Tahan na, masisira make up mo, atyaka parang magkakahiwa-hiwalay naman tayo kung magsalita ka" pabiro ko pang sabi.

"Hindi yan ma bu-buhay ng wala ka, kaya ganyan" sambit ni Megan, napangiti naman ako nung yumakap sa akin si Marga.

"Magkahiwalay lang tayo ng course pero atleast same school diba?" sabat ni Claire at tinaas-taas pa ang mga kilay.

I'm Gonna Reach You, My Love (Romantic Series #1)Where stories live. Discover now