Chapter 4

44 4 0
                                    

04

"Excited nako!" masayang sigaw ni Marga at tumalon-talon pa. It's the first day of school. Nag meet-up kami sa gate ng university para sabay-sabay na pumasok.

"Mamaya lang niyan stress ka na" sabi naman ni Megan. Naglakad na kami papasok. "Sabi nila walang rest day sa college kahit first day of school pa yan" dagdag niya. Naririnig ko din ang mga sabi-sabi pero dedma lang, kaya naman siguro naming ma survive to.

"Hindi naman siguro ganon kasama" sagot ko naman. Tumango naman si Claire.

"Oo nga, napaka-nega mo, gumising ka ba sa maling side ng kama mo?" pabiro niya pa at tumawa naman kami. Wala namang bago kay Megan, she was the emo of the group napaka dark lagi.

Una na akong nag-paalam dahil nauuna ang room ko sakanilang lahat, nasa building one ako at sila ay nasa building four.

"Good luck, Sky!" sabay-sabay naman nilang sabi at ibinalik ko naman iyon sakanila, bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

Pagpasok ko ng room ay wala pang masyadong tao, ngumiti ako sa mga tumingin sa akin bago umupo sa may sulok. I'm kind of scared din kasi hindi ako marunong makipag socialize kapag hindi sila ang unang nag-approach.

Tumingin ako sa labas and I saw Ethan. Katapat ng room namin ang room niya I guess? Nakapikit siya and nakasaluk-baba pa siya, parang....tulog.

Medyo nakaside view siya sa akin kaya kita ko ang sharp jawlines niya at matangos na ilong. He was a moreno, typical na kulay ng mga pinoy kumbaga, kayumanggi. I can't see all of his features well.

Napatulala pa ako sakanya saglit, bago ko napagtanto na nakatitig na ako kaya naman umiwas ako ng tingin at hinintay nalang na dumaan ang oras.

Ilan lang ang dumagdag sa mga block mates ko , mabibilang ko pa sa mga darili ko kung ilan kami, nineteen lang, ganon ba kahirap ang architecture?

Dumating ang first teacher namin and nagpakilala lang siya bago na siya nagturo, walang introduce yourself, direkta turo siya dahil daw malalaman niya naman ang mga pangalan namin in no time. Well, it doesn't really matter, i'm here to study and that's what i'm gonna do.

Parang dumaan lang ang hangin sa akin at ganon kabilis natapos ang araw. Papalabas kami ng university habang nagka-kamustahan ng mga kaibigan ko kung anong nangyari sa mga araw nila.

Nothing much din, halos deretso turo daw, and nung break time sama-sama kaming kumain and even lunch, then bumalik sa mga klase namin. Nothing special, parang normal day mo lang sa school. Papasok ka, lessons, break time, lessons, lunch, and lessons then uwian.

Nagpaalam na ako sakanila at umuwi, isang sakay lang naman ng jeep ay nakarating na ako sa condo. Agad kong inayos ang mga gamit ko at nagpalit ng damit. Nagluto ako ng hapunan bago ako magbasa-basa ng libro.

I got a text from kuya saying [Don't wait up, I'll be late]. Kaya naman kumain na ako at medyo naglinis pa, nagwalis-walis bago matulog.

The next day, nothing much special, we had another lessons and continuations, meron kaming isang napaka-boring na subject. Well not really the subject, I guess I could say the prof? Kasi napaka-old style ng teaching niya kaya minsan muntik akong nakakatulog, but overall okay naman.

"Uy Sky! Long time no see ah" nakita ko si Kyle sa may washing area, it's break time and I just finished eating.

"Hello, kamusta?" nakangiting tanong ko dito.

"Okay lang, ikaw? Kumusta ang college?" sabi niya naman at nakangiti din.

"Okay pa naman, nasa easy side pa" pabirong sagot ko naman dito at tumawa, tumawa din siya bago ako yayain kumain kasama nila.

I'm Gonna Reach You, My Love (Romantic Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang