Chapter 1

39K 715 43
                                    

REBECCA'S POV

Pagkalabas ko galing ng classroom ko ay naabutan kong nakaabang sa akin si Isaac habang nakasandal ito sa pader at mukhang hinihintay ako.

Sinenyasan ko naman ang kaibigan kong si Sheila na mauna na siyang umuwi sa kanila na ikinatango nalang niya. Nginisian niya pa kami ni Isaac bago niya kami tuluyang iwanan.

"What are you doing here?" Mataray kong tanong at humalukipkip nalang.

"Ang sungit naman. I kinda miss you, babe kaya after nang practice namin sa school band natin ay pinuntahan na kaagad kita dito." Malambing niyang sabi at kaagad kinuha ang bag ko para siya na ang magdala nito.

No choice naman ako kundi ibigay ito sa kanya dahil ang isang Isaac Villanueva ay hindi na mapipigilan pa sa kahit anong gagawin niya.

"Are you hungry?" Tanong niya at kinuha nito ang isang kamay ko at pinagsalop ito.

I rolled my eyes and shook my head.

"No thanks. Kumain na ako." He nodded.

"Pwede bang daanan muna natin ang mga kabanda ko saglit sa practice room? Nakalimutan ko kasing iabot ang susi ng motor ni Kris, e." Nagkamot siya ng ulo.

"As if I have a choice." I shrugged my shoulders na ikinangiti nalang niya.

Isaac is my suitor. Same with his older brother, Eliezer. They are very possessive and hard headed kahit alam naman nilang mas type ko pa ang kuya nila kaysa sa kanila. It didn't stop them to court me.

Mga bata palang kami ay alam ko nang may gusto sa akin sina Isaac at Eli. Kapitbahay ko lang sila at sabay na kaming lumaki until now na 4th year college na ako. Kaedad ko lang si Isaac at graduating na rin ito while Eliezer is already working same with his brother Messiah na mas matanda sa akin ng 3 years.

Messiah is very different from his brothers. Sobrang tahimik nito at minsanan ko lang rin marinig magsalita. At his age of 23 ay marami na rin itong achievements sa buhay. I like him pero dedma lang ang beauty ko sa kanya. Palagi niya akong hinahayaan sa mga kapatid niya kahit obvious naman sa kanya na gusto ko siya. I already said many times to him that I like him pero hangin na dumaan lang ang naging tanging sagot niya sa akin.

Dumaan kami ni Isaac sa practice room ng banda nila dito sa school then I saw his bandmates na busy sa pag-aayos at pagliligpit ng mga instruments nila sa pagtugtog.

I suddenly look at Aiden na busy sa pagtu-tune ng hawak niyang gitara.

"Kris." Sabi ni Isaac at inihagis nito kay Kris na drummer ng banda nila ang hawak niyang susi.

Parang nagulat pa si Kris nang makita niya kami pero nasalo rin naman niya ang hinagis na susi ni Isaac sa kanya.

"Oh, dude. Nandito pala kayo ni babe mo." Nakangiting bati nito at lumapit sa amin.

Ganon rin ang iba pa nilang mga kabanda, lumapit sila sa amin except for Aiden na patuloy pa rin sa ginagawa niya.

Isaac bandmates are all handsome and famous in our school. Pagdating sa looks ay walang tapon sa kanila. Lahat ito ay mga single pero ang iba sa kanila ay may mga flings rin.

Sino ba naman ang tatanggi sa ganito kagwapong mga lalake? Aaminin kong si Isaac ang pinakagwapo sa kanila then sumunod si Aiden then the rest ay magkakapantay na.

"Dumaan lang kami dito para isaoli ang susi mo. Where's Colt?" Tanong ni Isaac.

"Umuwi na, bro. May dadaanan pa raw kasi siya. Bagong babae siguro ng loko." Tumatawang sabi naman ni Demi saka ako nito sinulyapan.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon