Chapter 21

12.2K 461 110
                                    

REBECCA'S POV

Warning: SPG

Para akong kinikilig na ewan ngayon. Pagkatapos kasi naming magkita ulit ni Messiah kahapon sa restaurant ay kaagad niyang kinuha ang cellphone number ko para daw makapag-usap kami kahit nasa malayo siya.

Wala na kasing time nun para magchikahan pa kami dahil kasama ko si Aiden at baka magtaka pa iyon kapag nawala ako ng matagal.

Nakakatuwa lang isipin na sa matagal na panahon naming magkakilala ni Messiah ay never ko pang nalaman ang cellphone number niya at ganon rin siya sa akin.

I smiled widely nang makita ko ang text niya.

From: Messiah
Go to your balcony.

Kaagad naman akong nag-ayos ng sarili pagkatapos kong bumangon sa kama. I opened my balcony and I saw Messiah in his balcony holding his phone.

"Messiah!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa akin.

He just nodded at medyo napasimangot ako dahil never ko pa talaga siya nakitang ngumiti ng todo. Kung nakita ko man siyang ngumiti iyon ay nung nagswimming kami sa pool area nila at pinuri niya ang ayos ko.

Kahit ang tipid lang ng ngiti niya nun ay ang lakas pa rin ng epekto niya sa puso ko. I understand naman dahil si Messiah Avenido iyan, hindi iyan katulad ng mga kapatid niyang sina Isaac at Eli na laging maaliwas at masaya ang mukha.

Kaagad tumunog ang phone ko at sinagot ang tawag ni Messiah.

"Hello?"

[Don't shout my name, they're already sleeping. I will go to your house now to talk about us.]

Talk about us? Siguro ito na rin ang tamang pagkakataon para makapag-usap kami ng masinsinan after 1 month.

"Sorry, okay. Sunduin kita sa labas ng gate namin."

Kaagad naman niyang pinatay ang tawag at nakita ko nga na sinara na niya ang bintana ng balcony niya at umalis na doon.

Mabuti nalang at ako lang ang mag-isa dito sa bahay dahil may business trip na naman ulit sina Mom at Dad kasama si Kuya Rodney. Baka next day pa sila makakauwi sa dami ng dapat daw nilang asikasuhin.

I'm now wearing a white-tshirt and jogging pants. Binanggit na kasi ni Messiah kanina na kailangan naming mag-usap ngayong gabi kaya hindi na muna ako nagsuot ng pajamas ko.

Pagkababa ko sa kwarto ko ay lumabas na ako ng bahay at pinuntahan si Messiah sa may gate.

And there he is, Messiah is wearing a white t-shirt too at nakajogging pants rin siya ng itim same as mine. Nakapamulsa naman siya at medyo magulo ang buhok.

Hindi naman kami nag-usap nang tungkol sa susuotin namin pero bakit pareho kami? Is this our fate?

"P-Pasok ka."

Medyo nautal pa ako habang nagsasalita dahil talagang nakakaintimidate at ang gwapo niya ngayon sa ayos niya.

Sinundan naman niya ako hanggang sa makapasok na kami sa loob ng bahay at pinaupo ko siya sa sofa sa may living room namin.

It's already 11pm in the evening at nakakahiya nga namang sinigaw ko ang pangalan niya kanina sa may balcony dahil baka magising pa ang mga natutulog niyang kapatid at parents sa bahay nila.

"Do you want some snacks? Milk? Juice-"

"I'm fine." Sagot niya.

Tumango naman ako at umupo kaharap ng sofa na inuupuan niya.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon