Epilogue

17.2K 498 122
                                    

This Epilogue is not a typical 'Good Epilogue.' Sometimes, the story ends with a good confusion.

MESSIAH'S POV

For the past 3 years, my life turns into a miserable one. Simula nang mawala si Rebecca ay doon na nawalan ng kulay ang buhay ko. She's my wife, we had a son, I really love her so much but now, she's missing and I still can't find her. Walang araw na hindi ko siya inisip. Gabi-gabi nalang akong nagpapakalunod sa alak at nagmumukmok mag-isa sa kwarto ko sa sakit at pangungulila na nararamdaman ko.

Only our son Isaiah is my strength para patuloy ko pa rin hanapin si Rebecca.

Sa tuwing nakikita ko ang anak namin ni Rebecca ay hindi ko maiwasang malungkot. Isaiah is our own flesh and blood. He resembles a bit to his mother lalo na sa mga mapupungay na mata nito.

Why did this hell happen to me? Bakit ba hindi nalang hinahayaan ng Diyos na maging masaya ako? Bakit kailangan niya pa sa aking kunin ang asawa ko na isa sa mga lakas ko para magpatuloy sa buhay?

Kung mawawala lang rin naman siya sa akin, sana noon palang ay ipinaglaban ko na ang pagmamahal ko sa kanya. Sana noon palang ay hindi ko na siya ipinaubaya sa mga kapatid ko. Sana noon palang ay pinahalagahan at minahal ko na rin siya katulad nang ipinapakita niya sa akin noong mga bata palang kami.

I let myself to ignore her, to stay her away from me, to give her to my brothers. I'm such a scumbag to let Rebecca fall in love with someone else too!

Ako ngayon ang nagdurusa sa mga katangahan ko noon. Nahihirapan na rin akong mabuhay dahil wala siya. May balak pa kaming magpakasal sa pangalawang pagkakataon, iyong napaghandaan at masisiyahan siya pero hindi na iyon nangyari ngayon.

I took a sip from my glass of beer at hindi ko na naman maiwasang mapaiyak. After my work everyday, daily routine ko na ang uminom at magkulong sa kwarto ko. Hindi ko na rin naaalagaan si Isaiah dahil sila Mom at ang mga Dad ko na ang nag-aasikaso dito. Minsan ay ang parents ni Rebecca.

Selah is now busy with her own job at New York same with Isaac. Si Eli naman ay hindi na talaga nagpakita sa amin and I don't know where is that guy too.

Biglang may kumatok sa kwarto ko at dahil hindi naman ito nakabukas ay kaagad bumukas iyon, bumungad sa akin si Isaac na nakasimangot.

"You're drinking again, ni hindi mo na naaalagaan si Isaiah dahil diyan sa ginagawa mo. Do you think na magiging masaya si Rebecca sa pagiging pabayang ama mo?" Sermon niya sa akin na hindi ko nalang sinagot.

Nagpatuloy pa rin ako sa pag-inom habang pasimpleng pinunasan ang mga luha ko.

Isa si Isaac sa mga naging karibal ko sa puso ni Rebecca. Hindi ko aakalain na darating sa punto na magkakasundo na kami. Nabago siya ni Rebecca, si Rebecca ang dahilan kung bakit tuluyan nang nagbago si Isaac at tuluyan nang nagparaya para sa akin. Rebecca helps him to change and build his new self.

"Where's Isaiah?" I asked while Isaac is still looking at me.

"Nasa kwarto na niya. Natutulog. Ayaw mo bang i-check bukas ang bahay na pinagawa mo para sa inyo ni Rebecca? Pinarenovate ko pala 'yon ng konti dahil medyo inaamag na sa tagal mong bisitahin." Bumuntong-hininga siya at binuksan ang isa pang bote ng beer sa lamesa ko at kaagad tinungga iyon.

I smiled bitterly. "I can't. I will remember her again once I visit my dream house for us." Napapikit ako at hinilot ang sentido ko.

I build that house for Rebecca and our son. Matagal kong pinagplanuhan ang pagpapagawa ng bahay na iyon. Ayaw kong tirhan iyon ngayon hangga't hindi ko nakikita at nakakasama ang asawa ko. I'm staying here in Pasay at my family's house. Mas matututukan rin kasi nila si Isaiah kapag nandito kami. I'm very busy with my work at ako na ang CEO ng kompanya na binuo ng mga magulang ko while Isaac was acting as a Co-CEO dahil nga nawala na si Eli na parang bula limang taon na ang nakakalipas.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon