Chapter 18

11.5K 408 50
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Anong feeling ng mabasted, Kuya? Masakit ba?"

Mula sa pagkakayuko ni Messiah ay napaangat siya ng tingin at nakita niya ang mga nakababata niyang kapatid na sina Isaac at Eli na nakangisi sa kanya.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nang aminin ni Messiah ang tunay niyang nararamdaman para kay Rebecca. Mas pinili pa rin nito si Aiden na kasintahan ng dalaga. Sa loob ng isang buwan ay lugmok na lugmok si Messiah, ni hindi na rin ito nakakapasok sa trabaho niya dahil panay na lamang ang pag-inom niya sa loob ng kwarto niya sa bahay ng mga magulang niya. Nasaktan ito sa pagtalikod sa kanya ni Rebecca. Hindi niyang aakalaing tuluyan na siyang kakalimutan at aayawan nito.

Hindi niya gugustuhing magstay sa condo unit na pag-aari niya dahil maaalala lang niya kung paano siya nagmakaawa doon para sa pagmamahal ni Rebecca at sa huli ay tinalikuran lamang siya.

Sumama ang tingin ni Messiah kina Eli at Isaac. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa sinabi ng mga ito.

"Don't worry, hindi lang naman ikaw ang nabasted, kami rin. Pero kahit pala iniligtas mo ng dalawang beses si Rebecca mula sa amin at sa mga kabanda ko ay hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para piliin ka niya. How poor." Sabi naman ni Isaac habang nakangisi.

Alam nina Eli at Isaac na hindi sila papatulan ng kuya nila. Tahimik lang ito at hanggang sa pagsama nalang ng tingin ang magagawa nito sa kanila kapag nagagalit ito pero laking nalang ng dalawa nang tumayo mula sa pagkakaupo sa sulok ng kwarto si Messiah at parehas silang sinuntok na magkakapatid.

Sa lakas ng pagkakasuntok ni Messiah sa kanila ay kaagad nagdugo ang labi nila. Nanlilisik ang mga mata ni Messiah habang nakatingin ito sa kanila. Nanumbalik ang takot nila nang makitang nagalit rin ito nang pinagtangkaan nilang gahasain si Rebecca.

"Shut up! Rebecca is mine! I don't care if she turned me down. I will get her from that moron!" Umalingawngaw ang sigaw ni Messiah sa loob ng kwarto niya.

Gulat na gulat at halos hindi na nakapagsalita pa doon sina Eli at Isaac. Mas matindi palang magalit ang kuya nila kaysa sa kanila. Tahimik lang itong tao pero kapag ginalit ng todo ay para na itong nagiging demonyo.

Nang makabawi sa pagkagulat ay nagsalita na si Isaac. "How can you get her? She doesn't love you anymore-"

Napahiyaw nalang si Isaac nang bigla siyang kwinelyuhan ni Messiah at sinuntok na siya ng paulit-ulit. Si Eli naman ay pilit inaawat ang kuya niya pero itinulak lang siya nito.

"She loves me! Akin siya! Akin lang!" Sigaw ni Messiah at sinuntok pa ang sikmura ni Isaac.

Takot na takot si Eli at hindi niya malaman ang gagawin niya. Baka kung hindi pa maawat ang Kuya Messiah nila sa pambubugbog kay Isaac ay posibleng mapatay nito ang sarili nilang kapatid.

Duguan na si Isaac at puno ng pasa at sugat ang buong katawan nito. Hindi siya makalaban sa kuya niya dahil sobrang bilis ng paggalaw nito. Nanlalabo na rin ang paningin niya at anytime ay baka mawalan na siya ng malay.

Hindi pangkaraniwan ang Kuya Messiah niya dahil mas demonyo pa pala ito kumpara sa kanila. Kahit kapatid pa siya nito ay hindi ito mangingiming patayin siya nang dahil sa mga sinabi niya patungkol kay Rebecca.

Baliw na ang kuya niya kay Rebecca.

Laking pasasalamat nalang ni Eli nang humahangos na dumating ang Mom at mga Dad niya kasama si Selah. Tuluyan nang naawat ng apat na Daddy nila si Messiah sa pambubugbog kay Isaac habang ang Mom naman nilang si Mirae ay inalalayan si Isaac.

"What is happening here, Eli? Bakit nag-aaway ang mga kapatid mo?" Tanong ni Ysmael kay Eli.

"Isaac provoke Kuya Messiah dahil sa pambabasted na ginawa ni Rebecca sa kanya." Pag-amin ng binata.

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now