Chapter 11

13.2K 381 17
                                    

REBECCA'S POV

It's been 2 weeks simula nung tinangka akong pagsamantalahan nina Eli at Isaac. I didn't expect na kaya nila sa aking gawin ang bagay na iyon. I trust them at kababata ko sila, ni hindi sumagi sa isipan ko na kaya nila akong gawan ng masama but they did, at mas lalong tumindi ang galit ko sa kanila.

Hindi ko na sinabi sa pamilya ko at kay Aiden ang ginawa sa akin nina Eli at Isaac dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Wala namang nangyari sa aking masama.

Messiah saved me. I thank him for that pero hanggang doon na lang iyon. I don't want to see him anymore dahil kung patuloy pa rin niyang gagawin ang mga bagay na iyon sa akin ay baka tuluyan na akong bumigay. I need to respect Aiden and I's relationship at masaya ako dahil kasama ko siya.

May mga times na nagtatangkang lumapit sa akin sina Eli at Isaac pero pilit akong umiiwas. I'm really mad at them and they knew it. Wala silang magagawa dahil kung ipagpipilitan pa ulit nila ang sarili nila sa akin ay talagang ipapakulong ko silang magkapatid.

"Mom and Dad said na after ng graduation natin ay magbakasyon daw tayo sa Palawan. Do you want to come?" I asked Aiden habang kumakain kami sa Cafeteria ng school.

He nodded. "Of course, ayoko namang tanggihan sina Tito Daniel at Tita Naomi. The vacation is good for us to bond more." Nakangiting sabi niya at mas hinapit ang baywang ko na nakapulupot sa braso niya at panaka-nakang hinahalikan ang pisngi ko.

Aiden is a sweet and caring guy. Wala itong pakialam kahit sobra na ang PDA namin sa mga public places katulad na lang dito sa Cafeteria. Minsan ay naiilang rin ako dahil harap-harapan niya akong hinahalikan na tinutugonan ko na lang kahit nakikita ng ibang tao. I don't want to offend him because I can see he's only doing that because he loves me.

Ngumiti ako kay Aiden at pinagpatuloy ang pagkain ko. Tiningnan niya ako habang nakahalumbaba sa lamesa. I didn't mind him dahil gutom na rin ako.

"Nakita ka raw ni Elmer na may kausap na lalake kahapon sa corridor. Who's that?" He asked. Elmer is Aiden's classmate in his other subject.

"Ah, that's Rico, kamember ko sa Home Economics Department. May tinanong lang about sa presentation na gagawin namin." I said.

Hindi na nagsalita si Aiden. Bigla namang dumating si Sheila kasama ang boyfriend nitong Earl at umupo sa tabi namin.

"Kumusta naman kayo, girl? Ang hilig ninyong magsolo, ah?" Nakangising sabi ni Sheila na tinawanan nina Aiden at Earl.

"Okay lang. We're eating at palagi naman kayong missing in action ni Earl kaya hindi namin kayo makabonding dahil nagsosolo rin kayo!" Sabi ko.

"Mas gusto ni Sheila 'yon para mahalik-"

Hindi na naituloy pa ni Earl ang sasabihin niya nang tinakpan bigla ni Sheila ang bibig niya.

Natawa ako dahil sa dalawang ito. Sheila is a pretty girl na short cut ang buhok. Si Earl ay gwapo rin at mas chinito kumpara kay Aiden. Bagay sila ni Sheila. I'm glad that my bestfriend already found her true love at si Earl lang pala iyon.

Earl is not mad at me noong panahon na binasted ko si Isaac. He understand my situation hindi katulad nila Demi, Kris, at Colt na hanggang ngayon ay may galit pa rin sa akin and to think na nalaman ko kay Demi na may pagnanasa sa akin ang mga lalakeng iyon ay mas nagkaroon ako ng dahilan para layuan sila.

"Sweetheart, shut your mouth!" Pagbabanta ni Sheila at pinandilatan ng mata si Earl na natatawang tumango.

"You know what, Aiden? Demi, Kris and, Colt are acting weird so lately. Minsan nga ay nag-uusap sila tapos hindi man lang kami sinasama ni Isaac? They have secrets na tinatago nila sa amin, pre." saad ni Earl na sumandal sa inuupuan.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon