Chapter 14

12.1K 472 33
                                    

THIRD PERSON'S POV

(Some scenes are SPG)

Hinihintay ngayon ni Rebecca sa field si Aiden. Kinausap pa kasi si Aiden ng coach na sinalihan nito sa Basketball Team ng school nila. Bukod sa paggigitara ay magaling rin sa basketball si Aiden kaya sumali nalang ito bilang libangan at sports.

Habang naghihintay siya ay nakita niyang papalapit sa kanya sila Kris, Colt at Demi. Hindi talaga mapanatag ang loob niya kapag nakikita ang mga ito. Oo nga at magkakaibigan na ulit sila pero hindi na niya kayang pagkatiwalaan ng buo ang mga binata dahil sa masasakit na salitang binitawan ng mga ito sa kanya.

"Hi, Sexy!" Bati ni Kris nang makalapit ang mga ito.

Nailang siya sa itinawag sa kanya ni Kris pero hindi siya nagpahalata doon.

"H-hi rin." Sabi nalang ni Rebecca at ngumiti ng pilit.

"Are you waiting for Aiden?" Tanong naman ni Colt habang nakapamulsa.

Tumango si Rebecca. Malakas ang dating ni Colt. Gwapo rin ito at may magandang pangangatawan. Hindi na nakakapagtaka kung bakit marami na itong naging girlfriends.

"Yes. He joined the Basketball team. Kinausap lang siya sandali ng coach nila." Sabi ni Rebecca.

Tumango ang dalawa habang si Demi naman ay nakatitig lang sa kanya. The way Demi stares at her gives some chills to her body kaya iniwasan niyang tignan ito.

"Oh, he joined. By the way, Isaac wants to talk to you. He's maybe saying sorry for what he had done to you. Don't worry, kasama mo naman kami kung sakaling bigla siyang magwala at mabaliw ulit sa'yo pero hindi na 'yon mangyayari." Nakangiting sabi ni Kris.

Nag-isip si Rebecca. Kung gustong humingi ng sorry ni Isaac ay bakit pinapasabi pa ito sa mga kaibigan niya? Pwede namang personal nalang itong humingi ng tawad. Nagugulo na nga ni Messiah ang isip niya dahil sa mga ginagawa nito dumagdag pa si Isaac.

"Bakit hindi siya ang lumapit sa akin at ipinadaan pa niya sa inyo?" Tanong niya.

"Maybe he was shy to ask you dahil iniiwasan mo siya? Rebecca, Isaac is your childhood friend. Kung anuman ang problema ninyo ay sana magkapatawaran na kayo. You already have a boyfriend so Isaac can't do anything about that." Sabi ni Kris.

Huminga ng malalim si Rebecca. Isaac and Eli attempted to rape her but she's glad that Messiah saved her. Nagawa lang iyon ni Isaac dahil sa pagmamahal nito sa kanya. Wala namang nangyaring masama at dahil may pinagsamahan rin naman sila ng binata ay patatawarin nalang niya ito.

She wants a peace of mind kasama si Aiden. Hindi na nga matahimik ang utak at puso niya dahil kay Messiah kaya kailangan niya sigurong patawarin si Isaac. Kung nirerespeto at mahal talaga siya nito ay matatanggap nitong may iba na siyang mahal at iyon ay si Aiden.

Sa huli ay tumango nalang si Rebecca na ikinalawak ng ngiti ng tatlong binata.

"Okay. Ite-text ko nalang muna si Aiden at sasabihin sa kanya na mag-uusap muna-"

"Nah. Sabihin mo nalang na mauuna ka nang umuwi dahil pinapauwi ka ng maaga ng parents mo or ng kuya mo dahil may sasabihin sila sa'yo. Don't say na kakausapin mo si Isaac dahil baka pagmulan ng away nilang dalawa 'yon. You know? Hindi pa sila nagkakaayos." Sabi ni Colt.

May punto si Colt kaya tumango si Rebecca at tinext nalang ng ganoong dahilan si Aiden. Pagkatapos niyang itext si Aiden ay sumama na siya sa tatlong binata at sumakay sila sa kotse ni Demi na nakaparada sa parking lot ng school.

Hindi daw pumasok si Isaac kaya hindi niya ito nakita sa school nila. Nandoon daw ito ngayon sa condo unit ni Colt at nagpapakalasing.

Katabi niya sa backseat si Kris habang nasa driver's seat si Demi at nasa front seat naman si Colt. Napapansin niya na napapasulyap sa kanya ang mga ito mula sa side mirror na nasa loob ng kotse.

Possessively Owned by MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon