Chapter 35

9K 292 24
                                    

REBECCA'S POV

Nalaman na nina Mom at Dad na pinatay ni Kuya Rodney sina Kris at Colt. Sa mga nalaman ng parents ko ay hindi nila ito kinaya at muntik pang mahimatay si Mom nang inamin iyon ni Demi sa kanila. Nalaman rin namin na may mental health problem si Kuya Rodney at kailangan na muna nitong maadmit sa Mental Hospital bago ikulong. Kasabwat rin pala si Kuya Jackson sa krimen na ginawa ni Kuya Rodney at ang mga kamiyembro nito sa isang gang kaya makukulong rin sila ng ilang taon.

Masakit man na tuluyan nang nagbago at nabaliw ang kapatid ko nang dahil sa akin ay kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niyang kasalanan kasabay nito ang galit at pagkamuhi sa amin ng pamilya nina Kris at Colt. Hindi ko sila masisisi doon dahil buhay ang naging kapalit ng obsesyon ni kuya sa akin.

Hindi ko na rin alam kung tuluyan pa bang maibabalik ang dating masayang pamilya na mayroon kami. Hindi na siguro mangyayari iyon dahil desidido na rin ang mga magulang ko na ipakasal ako kay Steven pagkatapos kong grumaduate ng college na hanggang ngayon ay tinututulan ko pa rin.

Ngayong araw ay napag-isipan ko na pumasok nalang ng school. Kaysa naman magmukmok sa bahay at palagi ko nalang nakikita ang pagmumukha ni Steven na araw-araw nang dumadalaw sa akin ay nagdesisyon nalang akong ituloy pa rin ang buhay ko. Hindi ko hahayaang magtagumpay sila sa pinaplano nila at ipaglalaban ko pa rin ang pagmamahal ko kay Messiah.

Wala akong ibang mamahalin at papakasalang lalake kundi siya lang.

Pagkatapos ng klase ko ay naabutan ko na nag-aabang sa labas ng classroom sina Sheila at Earl. Laking tuwa ko nang makita ko silang dalawa. Hindi ko na rin nakakausap si Sheila dahil nga itinago ni Dad ang cellphone ko para hindi ko na makausap pa si Messiah.

"Sheila!" Napaluha na ako matapos kong makita si Sheila na kaagad kong niyakap.

Niyakap naman ako pabalik ni Sheila hanggang sa nagyaya si Earl na sa Cafeteria nalang kaming mag-usap. Nang makarating na kami doon ay ikwinento ko na lahat kay Sheila ang mga nangyari sa akin at kitang-kita ko na apektado rin siya sa mga nalaman niya na pinagdadaanan ko ngayon.

"Nako girl! Dinala na pala si Rodney sa Mental Hospital tapos nakulong naman ang half brother mo then ipapakasal ka na kaagad sa isang lalake? at sa kaibigan pa talaga ni Fafa Messiah?" Nag-aalalang tanong ni Sheila.

Tumango naman ako doon. "Hindi ko na rin nakikita at nakakausap si Messiah dahil bantay-sarado ako kay Steven. Sinasaktan niya ako, Sheila. Sinasampal niya ako at sinasabunutan dahil gusto niyang matuloy ang kasal namin at gusto rin niyang kalimutan ko na si Messiah..." Humagulgol na ako ng tuluyan at walang ibang ginawa si Sheila kundi ang patahanin ako.

"Anong karapatan niyang saktan ka? Sino ba siya sa akala niya? Alam ba nina Tito at Tita ang ginagawa ng lalakeng 'yon sa'yo, girl? You need to tell that dahil hindi ka isang battered woman!" Halos sumigaw na si Sheila sa pagsasalita kaya pinapakalma siya ni Earl na nasa tabi niya.

Sheila is affected, too at mas nakita ko kung gaano siya kaconcern sa akin bilang bestfriend ko.

"Hindi ako paniniwalaan nina Mom at Dad kapag nagsumbong ako sa pananakit ni Steven sa akin. They really like him for me at ngayong ako nalang ang anak na naiwan sa kanila ay mas lalo pa akong naiipit sa sitwasyon." Huminto na ako sandali sa pag-iyak. Inabutan naman ako ni Earl ng bottled water at ininom ko kaagad iyon.

"Hindi! Hindi pwedeng matuloy ang kasal niyo ng siraulong Steven na 'yan kung sinuman siya. Gagawa kami ng paraan ni Earl para hindi mangyari-"

"And then what will happen?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Steven na nasa harapan na pala namin habang nakatitig ito ng masama kay Sheila.

Kahit ba naman dito sa school ay susundan at guguluhin niya pa rin ako?

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now