Chapter 39

9.3K 297 20
                                    

REBECCA'S POV

It was dismissal time at mag-isa ako ngayong kumakain dito sa Cafeteria. Messiah said that he will wait for me mamayang 5pm sa labas ng university at may 30 minutes pa bago iyon kaya napagpasyahan ko na munang kumain.

Hindi katulad noon na pwede akong magdiet to maintain my health and body ngayon ay hindi na iyon pwede dahil may laman nang bata sa sinapupunan ko at kailangan ay palagi rin siyang busog at makakuha ng tamang nutrients sa kinakain ko.

I caress my tummy and I can't hide my happiness and excitement sa oras na lumabas na si baby. I have no regrets to have a child with Messiah at nagpakasal kami ng mabilisan lang.

Messiah is the only man who I want to spend my life to. Siya lang ang minahal ko ng sobra at hanggang sa kamatayan ko ay siya pa rin ang pipiliin ko.

"Hi to the newly wed slash pregnant woman!" Natigil ako sa pagkain nang makita ko sina Isaac at Aiden na nasa harapan ko na pala.

Umupo sila sa bakanteng upuan na nasa tapat ko. Nang tinignan ko si Aiden ay tahimik lang ito at seryoso ang buong mukha habang nakatingin sa akin. Ang tagal na rin bago ko siya huling nakita at sa tingin ko ay mas lalo pa itong gumwapo. Si Isaac naman ay nakangiti sa akin at hindi ko alam kung peke o tunay ba ang ipinapakita niya sa aking ekspresyon ngayon.

Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig nila sa akin pero ipinagsawalang-bahala ko nalang iyon. Binilisan ko nang kumain at nang matapos ako ay kaagad akong uminom ng tubig.

"Rebecca, tanggap na namin ni Aiden ang lahat. You are already married woman and pregnant too kaya wala na kaming karapatan sa'yo." Tinignan ko si Isaac na bigla nalang nagsalita.

He sounds sincere but I need to confirm if he's true on what he said.

"Me too. You see, Rebecca I'm already avoiding you because I know that you can't love me anymore after our break-up. Alam ko naman na noong una palang ay si Messiah na ang mahal mo pero pinagpatuloy ko pa rin ang relasyon natin. I'm really really sorry." Malungkot namang sabi ni Aiden.

Napahinto ako sa mga sinabi nila. Isaac and Aiden are already apologizing on what they did to me. Tanggap na nila ang lahat at pinapalaya na rin nila ako.

Nginitian ko silang dalawa. "I'm sorry rin kung nasaktan ko man ang damdamin niyo. Kahit anong gawin ko ay si Messiah pa rin talaga ang mahal ko." Sabi ko dahilan para makita ang sakit at pagkabigo sa mga mata nila.

"We understand, Rebecca. Hindi na rin ako magiging bitter sa inyo ni kuya lalo na't magkakaroon na rin ako ng pamangkin." Isaac smiled at me at hinawakan niya ang isang kamay ko. Ngumiti lang ng tipid si Aiden sa akin.

"Salamat."

Nakahinga na rin ako ng maluwag nang sa wakas ay maayos na rin kami nina Isaac at Aiden.

"Are you still waiting for kuya? We can drive you home nalang. Maiintindihan naman niya siguro kung mauuna ka nang umuwi. You need to rest para sa inyo ng baby mo." Pag-aalok ni Isaac.

"Hindi na. Hihintayin ko nalang siguro si Messiah dito. Dadaan rin kasi kami ngayon sa kakilala ni Tito Josiah na Obstetrician-"

"Tara na! Kami nang bahala sa'yo." Hindi na ako nakapalag pa nang nilapitan na ako ni Isaac at hinila ang braso ko papaalis.

Nakasunod naman sa amin si Aiden hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school.

Akmang ipapasok na sana ako ni Isaac sa loob ng kotse niya nang may humila sa akin at laking gulat ko nalang nang si Messiah iyon. Mas lalo pa akong nagulat nang may hawak siyang baril at itinapat iyon sa ulo ni Isaac.

Possessively Owned by MessiahWhere stories live. Discover now