01

48 4 0
                                    

"Hi, may nakaupo na ba d'yan sa tabi mo?" she looked at me confused. Maybe wondering if s'ya ba ang kausap ko.


Tumingin s'ya sa kanyang paligid just to make sure na s'ya nga ang kausap ko.


Actually, I already know her. I met her during our entrance exam here in montessori. Hindi kami ganoon nagkausap pero tinulungan n'ya ako pulutin nung nagkalaglagan yung mga gamit ko.


Marami naman mga tao na nakapaligid sa akin that time pero walang nagtangka lumapit sa akin. Well hindi na rin naman ako nag e-expect na may tutulong pero lumapit parin s'ya para pulutin ang mga gamit ko.


I was surprised by her action. I didn't get the chance to say thank you dahil pagtapos n'ya ibigay yung gamit ko tumalikod agad siya para umalis. Kaya nung nakita ko na magkaklase kami hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. I'm dying to be her friend.


"Wala." masaya akong umupo sa tabi n'ya pagtapos nya sabihin 'yon.


"I'm Naomi. Naomi Vergara." I smiled para makipagkaibigan. Matagal siyang nakatitig sa akin bago s'ya sumagot.


"Akira." tipid na sagot n'ya.


Wow, her name sounds foreign! may lahi kaya siyang japanese? Bumalik s'ya agad sa pag aayos ng gamit nya at wala na sinabi ulit. Baka hindi s'ya ganon katalkative no?


Nakatingin parin ako sa kanya, pinagmamasdan ang kanyang mukha. Normal ang laki ng mata n'ya. Hindi ganoon katangos ang ilong n'ya pero hindi rin naman pango. Maamo na parang rabbit ang kanyang itsura. Her hair was short, mga above the shoulder ang haba.


Mukhang wala siyang lahing japanese. Mukhang pangalan nga lang.


Tahimik n'ya inaayos parin ang kanyang mga gamit. I am still looking, waiting to talk to her again pero mukhang hindi talaga siya magsasalita. Naalala nya kaya ako?


"Hey Akira, do you remem-" naputol ang sasabihin ko dahil pumasok bigla ang homeroom teacher namin. Lahat kami nakatingin sa kanya at umayos na upo. Next time ko na lang siguro sasabihin.


Nagpakilala s'ya at nagsabi nang gagawin namin ngayon. Common things pag first day. Pagtapos no'n, nagpa check lang s'ya nang attendance at umalis para bigyan kami ng time sa room na makipag socialize.


"Akira gusto mo pumuntang canteen?" tinignan n'ya ako na nagtataka.


I know that look, Iniisip siguro n'ya na feeling close ako. Well totoo naman, pero wala na akong pake! Gusto ko talaga s'ya maging kaibigan!


Matagal ulit s'ya nag isip bago pumayag saka tumayo. Para akong bata na natuwa sa pagpayag niya. Kinuha ko ang kamay niya at hinila para sabay kami maglakad. Masaya ko siyang tinitignan. Nakangiti lang rin s'ya sa'kin at hinahayaan ako na hilain siya. Palabas na sana kami ng pinto pero may humarang bigla sa dadaanan namin.


"Ikaw ba si Naomi?" sabi nang kaharap namin ngayon. I immediately rolled my eyes. Kakasimula palang ng araw ko meron na agad.

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon