13

10 2 0
                                    

"Ah, yes! fuck shit tapos na ang finals!! Magdiwang ang lahat!!" 


Binato ni Brielle ang papel na hawak niya kaya nagkalat ito sa sahig. Scratch papers niya ata 'yon sa test. Tuwang tuwa siya na sumisigaw kaya ganon din ang ginawa ng iba kong mga kaklase. Ang ingay tuloy sa loob pero natatawa ako sa itsura nila. 


"Tapon niyo na 'yan! hindi na natin kailangan 'yang mga papel! tapos na ang semester! Party party na!"


Si Brielle yung nangunguna sa kalokohan kaya tawang tawa ako. Si avery naman tinakpan ang mukha sa hiya dahil sa ginagawa ng kaibigan namin. 


"My god, Brielle, stop it!" Sinuway ni Avery si Brielle kaya tumigil na rin naman ito.


This was supposed to be our last week of the semester pero may 3 weeks pa kami papasok dahil may program. Kaya siguro tuwang tuwa 'tong si Brielle dahil tapos na kami sa acads.


Tumatawa lang ako sa kanila nung nabaling ang tingin ko kay Bridgette na nagmamadaling lumabas sa room. Hinala ko pupuntahan niya ulit si Vincent. Mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa.


It's been days nung huli kong na contact si Vincent. Nag tetext parin naman siya pero ako yung lumalayo. Kailangan ko na kasi sanayin na hindi na kami pwede magsama pag nagkaroon siya ng girlfriend.


Ayoko naman na pagselosan ako n'on. This was also for the better na rin for both of us, para ma realize ko na kaibigan lang kami.


"Someone is lonely," nawala ako sa pagiisip sa pagsasalita ni Avery. Mukhang nang aasar yung mata niya nung tumingin siya sa akin. "Kung gaano kasaya si Brielle kabaliktaran mo naman. What's up?"


"It's nothing," sagot ko agad. Ayoko kasi pag usapan.


"Let me guess..." nag akto siya na nagiisip. "Vincent, right?"


Nanlaki ang mata ko sa gulat at mabilis na tumanggi. "No! of course not!"


Ano naman meron dito at bakit ang bilis niya mahulaan iniisip ko? May lahi ba tong manghuhula?


"Oh come on, Naomi. You're not a good liar talaga! Sobrang transparent mo!" Tuwang tuwa na inaasar ako. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil wala na ako masabi.


Pambihira, ganito ba talaga ako kadaling basahin? Lalo siya tumawa nung nakita ang itsura ko.


"Okay, I won't force you kung ayaw mo sabihin. Ano plano natin?" Nilapit ni Avery ang chair sa tabi ko para malapit siya sa akin. Buti naman hindi na niya tinanong.


"Kayo bahala, anything is fine with me naman." I answered.


Tumingin si Avery sa bintana dahil biglang dumilim ang langit. Nadamay din ako na tumingin sa bintana.


"I think it will rain," tinignan niya ako. "Next week na lang tayo gumala, mukhang malakas ulan mamaya. Do you have your umbrella with you?"


Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now