12

11 3 0
                                    

I didn't know when he was this important to me.


At first, because of his kindness that made me notice him. I was captivated by his personality. Dahil ba lagi kami magkasama kaya naninibago ako ngayon na may kasama siyang iba?


Simula nung iniwan ko sila Vincent sa canteen wala na ako sa mood buong araw. Hindi rin ako naka recieve ng message mula sa kanya. Kamusta sila? Ano kayang nangyari sa kanila nung nawala na ako? I hope it turned out well.


But more importantly... why am I confused about my feelings?


What's this ill feelings I have right now? I mean, Vincent is attractive naman talaga so it was natural he have many admirers. Ganon naman talaga silang apat nung una palang.


So why is my heart heavy just by thinking of it?


I let out a heavy sigh.


"Ay, oh! may mabigat ditong atmosphere sa tabi ko."


Nagpaypay si Brielle sa tabi ko gamit yung kamay niya na parang may inaalis na masamang hangin.


"Anong nangyari? Simula nung bumalik ka galing baba nagkaganyan ka na." Tinitigan niya ako nung hindi ako sumagot nagbago ang tingin niya bigla. "May nangyari ba sa usapan niyo ni Bridgette? Inaway ka na naman ba?! sabihin mo lang kikilos na ako, Naomi." Nagulat ako sa biglang pagtaas ng emosyon niya.


Tumayo siya, ready na mangaway at sugurin yung mga kaibigan ni Bridgette kaya agad ko siyang pinigilan. Hinila ko ang kamay niya para mapaupo, nakakatakot siya magalit  Tinulungan din ako ni Avery para pakalmahin si Brielle.


"It's nothing, really!" saad ko. "Umupo ka nga muna! Natatakot ako sayo, Brielle."


Bumalik naman sa siya sa pagkakaupo kaya binitawan na namin. Grabe, ready na ready na talaga siya mangaway kanina.


"Ano ba kasing nangyari?" Avery asked.


"Wala naman. Actually, Bridgette was nice." 


Totoo naman eh. Walang ginawa sa akin sa Bridgette. Ako lang naman tong hindi maintindihan bakit ako nagkaka ganito. Pakiramdam ko I am being selfish kay Vincent which is not very like me.


"If nothing happens then why are you keep sighing?" tanong ulit ni Avery. Nakatingin silang dalawa sa akin hinihintay ang sagot ko. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila dahil alam ko ako ang may problema.


Yumuko ako. "Have you guys ever thought about dating?"


Nagtinginan agad silang dalawa bago ibalik ang tingin sa akin na para bang may mali sa tanong ko. Actually wala sa isip ko ang mga ganitong bagay, not until Bridgette said that thing.


"Yan ba dahilan bakit ka bumubuntong hininga d'yan?" Tanong sa akin ni Brielle.


Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now