04

26 3 0
                                    

"Naomi yung list pala."


Inabot sa akin ni vincent ang isang papel ng listahan na pwede sasalihan ng klase natin sa foundation day. Binigay ito kanina ng teacher namin dahil inassigned kami na ang mag fifinalize ng mga sasalihan at mga sasali. Student assistant duties.


Kinuha ko 'yon at pinasadahan muna ng tingin bago bumalik sa kinakain ko na sandwich na binaon ni yaya para sa'kin. Nasa gilid ko si Jonas at Anthony na nag aasaran ngayon habang sila Claude at Akira ay tahimik lang na nanonood sa kanilang dalawa.


Mukhang badtrip si Jonas dahil natatalo na ata yung character niya dahil nilalaro ito ni Anthony. Samantalang mukhang sinasadya ni Anthony na matalo para bumaba ang rank ni Jonas.


Sabi ko na nga ba hindi lang ako ang natutuwa asarin si Jonas eh.


"Ano sa tingin mo yung gagawin ng klase natin?"


Tumigil saglit si Vincent sa tabi ko at nagisip ng malalim bago tumingin sa'kin.


"Para sa'kin siguro mas madali na mag booth na lang tayo. Hindi siya hassle compare sa iba eh."


Tumango ako. Tama naman, atleast pupunta na lang yung mga gusto bumili sa booth hindi na kami mangunguha pa ng mga bibili. Maganda rin marketing strategy namin dahil nandito sa section namin yung apat. Kahit umupo lang kami doon malamang dadagsaain kami ng mga fans nila.


Lalo na si Jonas at Claude. Oo tama, nandito pala yung dalawa, eh sila pinaka marami fans dito sa school. Para naman magamit namin pagiging bigtime nila.


"Hoy! bakit ganyan mukha mo? Ano na naman iniisip mong kalokohan ha?!" Bigla ako natauhan sa sigaw ni Jonas. Tss. Panira. Kalokohan daw? Makakatulong nga 'to sa section natin!


"Manahimik ka diyan!" Bulyaw ko.


"Vincent inaaway ako ni Naomi oh!" Tumayo bigla si Jonas at tumabi kay Vincent na parang bata na nagsusumbong.


"Bakit ka sa'kin nagsusumbong?"


"Eh sayo lang naman 'yan tumitiklop." Diretsong sabi ni Jonas. Vincent brows shot up at nagulat sa sinabi niya. Ako rin hindi ko alam bakit bigla ako namula. Gusto ko sabunutan si Jonas ngayon!


Vincent cleared his throat before he speak. "Tanga, dasurb mo 'yan."


Napapikit ako at pinipigilan na matawa dahil sa sinabi ni Vincent. Parang na traydor si Jonas sa itsura niya ngayon. Buti nga sayo, kala mo ha!


"Okay, sige. Ganyan naman kayo. May kaibigan ba talaga ako dito? Kaibigan ba talaga turing niyo sa'kin?" Nagkunwari siyang nasasaktan at nakahawak pa sa dibdib.


Hindi namin siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain namin. Ang drama nito akala mo talaga tunay.


"Hindi totoo 'yan jonas, Ako. Kaibigan turing ko sayo." Sabi ni Akira kay Jonas at inosenteng ngumiti sa kanya. Parang naging estatwa bigla si Jonas.

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now