10

13 3 0
                                    

"Ang hirap... sobra," hikbi parin ako nang hikbi.


Habang nagsasabi ako sa kanya ang sakit nang puso ko. Lahat nang kinimkim ko sa sarili sunod sunod na lumalabas kaya ang sakit. Hindi ko alam paano papatigilin ito.


Wala naman siya sinasabi, hinahayaan niya lang ako na umiyak sa piling niya. He keeps touching my head as a way of comforting me. 


"Bakit ko ba nararanasan ang ganito?"


I just cried in his arms. I wanna so cry badly and tell him how much I suffered since I was little. Kung gaano ako nahihirapan... kung gaano ako nasasaktan...


Ilang minuto rin yung iniyak ko sa kanya bago ko napagdesisyonan na tumahan. Ayoko na. Pagod na ako umiyak lagi. Pinunasan ko yung mata gamit yung kamay ko bago umayos nang upo sa tabi niya.


"Sorry," I sniff. "Nakakahiya, nakita mo pa akong ganito." Hindi ako makatinging sa kanya.


Matagal siyang tahimik sa gilid ko. Hindi rin naman ako nag eexpect na sumagot siya. Nakakahiya naman kasi talaga!


"Okay lang," he said.


Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin sa kanya! kasi naman, hindi ko nga siya nakita maghapon and nag oover think pa ako kanina bakit bigla nag iba yung mood niya, baka may nasabi akong mali or may nangyari tapos makikita ko na lang siya bigla sa harap ko.


Ang awkward ko tuloy! I fake a cough para mawala yung katahimikan sa paligid pero hindi parin naman siya nagsasalita. Ano ba namang situation na 'to.


"Uhmm-"


"Wala parents mo ngayon?" napahinto ako sa pagsasalita nung siya ang nagtanong.


Great timing!


"Yes, sabi nila they have a meeting in cagayan. Why are you here?" I finally asked. Gabi na kasi and wala naman ako nakikitang dahilan bakit nandito siya.


I'm very worried for his well being, baka hinahanap din siya sa bahay nila. Ayoko naman mag alala yung papa niya.


"I wanted to see you."


"Why?"


"May kailangan bang dahilan para kitain ka?" Kumunot yung noo ko dahil hindi ko narinig yung sinabi niya.


"Ano yon?" Pabulong kasi 'yon kaya sobrang hina.


Umiling siya. "Wala. Tahan ka na." He patted my head. "I promise... bukas everything will be solved. I will make sure. We will make sure."


He smile confidently. Naguguluhan ako pero tumango na lang ako. Is the word we means Jonas and them?


Beauty of the Light (Celestial Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon