02

44 3 0
                                    

"Yaya nandito na ako!"


Nilapag ko ang bag ko sa sala at dumiretso sa kusina. I saw Yaya cooking something in the kitchen. I smile and hug her from the back.


She was startled for a moment but when she realized it was me, humarap siya sa akin. Pinunasan niya muna ang kamay niya sa damit and then she brushed my hair and kiss my head.


I felt warm inside whenever I am with her. Matagal na n'ya ako inaalagaan simula noong baby pa 'ko. Since my parents are always busy, siya ang parang tumayong magulang ko. I was very fond of her and I really love her.


"Kamusta ang school?" She smiles, still patting my head.


"It was ok. I saw the girl pala Yaya, she was my classmate!" I said while following her at the dining table.


Nilapag n'ya ang pagkain na kakatapos lang lutuin. I took my seat after she was done preparing.


"Yung kasabay mo ba mag exam?" Umupo s'ya sa tabi ko at sinalinan ako ng juice sa baso. Nasabi ko kasi sa kanya yung nangyari nung time na 'yon so she knew who was I talking about.


"Yes Yaya, I really like her so much." I took a bite in the clubhouse. "Oh, I also met familiar people."


Kinuwento ko na kaklase ko sila Jonas, Anthony, and Claude. She was listening to me attentively even though she doesn't know what I am talking about.


Natawa pa nga ito sa aming dalawa ni Jonas nung nakwento ko yung nangyari. Hindi ko rin mapigilan na hindi ikwento. Yaya is my safe place. I can tell anything to her whenever she is around. She was my comfort place.


"There's also this guy rin pala.." pahabol ko. "Vincent yung pangalan n'ya."


Nagbago ang mukha nya pagbanggit ko sa pangalan ni vincent. Maloko s'yang ngumisi sa akin at nilapit ang upuan para tumabi sa'kin.


"Sino 'yan ha?" May halong pangaasar sa boses n'ya. "Ang alaga ko dalaga na."


"It's not like that!" mabilis kong sagot para tumanggi.


Ang oa naman, kakakilala ko lang doon sa lalaki bakit ganyan na reaksyon n'ya. I just appreciate him, that's all!


"President namin s'ya sa klase and he's very reliable Yaya."


"Sa kwento mo palang mukha s'yang mabait na bata." tumango siya.


"Oo, ang dali n'ya nga kausapin. Ang friendly n'ya tapos ang dami na namin napagusapan. Inaalalayan n'ya pa ako sa mga kailangan gawin." Sunod sunod na sabi ko sa kanya. Lalo tuloy lumaki ang ngiti n'ya sa akin.


"Gusto mo s'ya?" Mabilis akong umiling dahil sa sinabi n'ya. She's shipping me to him agad? really?!


"Ano ba! Stop teasing me." I pouted. Bakit ba kanina n'ya pa ako inaasar? I'm just admiring vincent as a person.

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now