05

17 3 0
                                    

"Natapos na rin ang malaimpyernong linggo!"


Sigaw ni Anthony pag upo niya. Nandito kami ngayon sa bahay ni Akira para tumambay dahil kakatapos lang ng periodic test namin. Tumawa ako at saka umupo sa tabi ko Vincent. 


My body immediately tense up. Hindi ko alam bakit!


"Hindi ka naman nag review ha?!" Kumunot ang noo ni Jonas. 


"Hoy nag review rin ako, kasama niyo nga ako mag aral diba? Ang galing nga magturo ni Vincent."


"I saw you copying," diretsong sabi ni Claude. "kay akira."


"Hindi naman," nahihiyang tumawa si Akira. "Mas tinulungan nga ako ni Anthony."


"Sabi ko na nga ba si Akira lang ang kakampi ko dito!" Tumayo si Anthony para lumapit kay akira. Maya-maya hinawakan niya ang dalawang kamay nito at inangat ng kaunti. 


"Pwede bang akin ka na lang?"


Sunod ko nang nakita ay nakaupo si Anthony sa sahig habang hawak ang ulo niya. Bigla kasing tumayo si Jonas at Claude para batukan si Anthony. Tumawa kaming tatlo sa ginagawa nila. Mas natatawa pa ako dahil alam kong iniisip ni Akira na nagbibiruan lang kami.


Hindi niya alam na may ibig sabihin bakit ganoon ang reaksyon nung dalawa sa sinabi ni Anthony.


"Parang mga tanga, hindi mabiro." Hawak parin ni Anthony ang ulo niya kung saan siya binatukan nung dalawa. Tinitignan ko siya habang tumatawa nung umupo siya ulit sa tabi ko.


"Ikaw naman kasi eh, dapat hindi mo na ginawa yon. Ayan tuloy binatukan ka nung dalawa."


"Hindi kasi kumikilos. Malay mo kumilos pag inunahan ko."


"Baliw ka! You like taming people that much?" Natatawa kong tanong sa kanya.


He stop for a moment para tumingin sa'kin. He grinned mischievously causing my eyebrows to raise.


"I don't like it, Naomi, I love it."


Pabiro ko siyang iniripan sa sinabi niya. I always noticed him especially yung ganong ugali niya. I wondered bakit hindi niya nagagawa sa'kin yung gaya ng ginagawa niya kila naomi at akira. Bakit kaya?


"Titigil na nga ako. Ayoko mabugbog." 


Nagtaka ako bakit bigla niya yon sinabi pero nginitian niya lang ako ng inosente. Kung hindi ko lang kilala talaga 'tong si Anthony maniniwala talaga ako sa pinapakita niya ngayon na inosente siya. Pero wala eh alam kong siya ang pinakamaloko sa aming barkada. 


Our days went like that when we reached our 2nd year. Bukod sa lesson at mga exams namin mas dumami ang pinapagawa ng teacher sa aming dalawa ni vincent. I don't know what to feel. Matutuwa ba ako na lagi kaming magkasama o maiilang dahil ganito ang nararamdaman ko sa kanya.

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now