06

15 3 0
                                    

"Naomi, anak gising na!"


Narinig ko ang sigaw ni mommy sa baba pero hindi ako tumayo. Masyado pa ako inaantok dahil napuyat ako kagabi sa isang kdrama na pinapanood ko.


"Five minutes pa ma," bulong ko as if marinig niya sa baba.


"You'll be late for school na, magkikita pa kayo ng mga kaibigan mo diba?" Sigaw ulit ni mommy.


Teka, mommy?!


Bigla akong napatayo sa higaan nun narealize ko na si mommy pala ang sumisigaw sa baba. Kelan pa sila nandito?!


"Mom, is that you?!" walang ulirat kong sigaw.


"Yes silly, bumaba ka na diyan at nagluto ako ng almusal mo."


Anong oras na ba? Tinignan ko ang alarm clock sa gilid at nawindang ako nung nakita ko yung oras. Shet, 8:30 na pala! 10 am ang klase namin lahat, susunduin ko pa si akira at hindi pa ako nakakapag asikaso kahit konti! Bakit kasi nagpuyat ako?!


"I'll be there in a minute!"


Nagmadali ako tumayo sa kama at pumasok sa cr to take a bath. Sobrang excited ako makita sila mommy dahil ngayon ko na lang ulit sila makakasama and the fact that it is my first day as a college student. 


Nakaka excite lang because it's a different environment. Nae-excite ako makita kung sino ang mga ka block and classmate ko this semester. Pagtapos ko magayos bumaba ako agad. Nakita ko si mommy na kakatapos lang rin mag handa ng pagkain.


"Good morning!" masaya kong bati at niyakap siya. "I miss you!"


"I miss you too baby" Hinalikan niya ang pisngi ko bago siya umupo.


Umupo ako sa harap niya at kumuha ng pagkain. "Mom, where's dad?"


"Oh, nasa office pa mamaya pa siyang gabi uuwi."


"I see." ngumiti na lang ako. After I ate the bacon and egg uminom ako ng fresh milk.


"So kamusta kayo ni Vincent?"


Bigla ako nabilaukan pag sabi ni mommy ng pangalan ni Vincent. Pinukpok ko ang dibdib ko dahil ubo ako ng ubo. Lumapit si mommy sakin para tulungan ako pero natatawa siya.


Nung medyo okay na ako inabutan niya ako ng tubig para inumin ko 'yon. "What do you mean kamusta?"


"I heard nandito sila nung birthday mo? Did something happen?" Tinaas baba ni mommy ang kilay niya like she was teasing me dahil nakita niya na namula ang mukha ko. "I'm very curious about sa inyong dalawa."


"Wala 'yon mommy!" pag depensa ko.


"You always says wala yon pero hindi 'yun yung nakita ko nung prom niyo."

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now