16

10 1 0
                                    

"Hindi ko naniniwala." Natulala ako sa narinig ko. "Are you sure about your feelings for me?"


Lumunok ako ng malalim at tinignan si Vincent. Nakaupo kaming dalawa dito sa bench sa Village namin. Napagdesisyonan namin na maghanap ng place para makapag usap ng maayos at ito ang napili naming lugar.


"I don't want you to confuse yourself, Naomi."


"No!" mabilis ako umiling. "Hindi ako nalilito Vincent. Sure ako mahal kita."


"Baka na pressure ka lang dahil sa pag amin ko." Hawak niya ang kanyang dalawang palad at nilaro ang dalawang hinalalaki. "If ever that's the case, mas gusto ko na hindi mo na suklian ang nararamdaman ko." He added with a smile but with pain in his eyes.


"But I'm not confused..." This time, ako naman ang tumingin sa kanya. "Sure ako sa sinasabi ko.. gusto kita"


Sa sobra ko sigurong pagtangi sa nararamdaman niya hindi na siya naniniwala sa sinasabi ko. I get it. I hurt him a lot and I will not get tired para ipaintindi ulit sa kanya na tunay ang nararamdaman ko. Na hindi ako nalilito, mahal ko si Vincent higit pa sa kaibigan.


"Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, Naomi," matagal kami nanahimik dalawa. Tumingin siya sa taas bago siya nagsalita ulit.


"Kung sasabihin ko sayo ang totoo, masaya ako pero meron sa pinaka loob ko na nagdududa. Parang hindi naman kapanipaniwala na isang gabi na realize mo na talaga ang tunay mo nararamdaman para sa akin. Ayoko madaliin ito dahil pareho tayo masasaktan sa huli."


Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Is this the end? Ayaw niya na ba talaga maniwala sa akin? Ito ba ang parusa ko dahil sa ginawa ko sa kanya? 


Binalik niya ang tingin sa akin kaya tinignan ko siya. "Pero, I'm glad." He smile. "Let's take your feelings slowly."


Huh? Nagtaka ako sa sinabi niya. Bigla siya tumayo at nagunat. I looked at him, still processing kung ano ang sinabi niya.


"Come on, let's take you home." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan mula sa likod ang aking balikat.


"Wait, so ano? tinatanggap mo ba or di ka parin naniniwala?" Ang gulo kasi. Hindi ko na alam kung anong nangyayari bigla.


Titingin sana ako sa kanya mula sa likod dahil nandon siya hawak parin ang balikat ko pero pinigilan niya yon.


"Let's just say na on hold muna." Even though I didn't saw his face I heard how He chuckled after saying that.


"Anong nangyari?" Napasapo ako sa ulo habang nakahiga sa kama ko ngayon. Kanina pa ako nakauwi dahil sapilitan ako hinatid ni Vincent sa bahay.

Hindi rin naman siya nagtagal dahil sabi niya magpahinga na daw ako. Naiwan tuloy ako natatanga dahil hindi ko parin alam kung ano ba talaga ang nangyari sa pag uusap namin.


Sinubukan ko buklatin ang mga notes ko. Matagal na rin ako hindi masyado nakakapag aral dahil sa sunod sunod na pangyayari sa akin at para malipat yung atensyon ko kaso wala.

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon