08

17 3 0
                                    

"Saan tayo pupunta?"


Hindi niya pinansin ang tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Dirediretso lang siya naglakad kaya nalakad rin ako ng mabilis. Ang hirap nga sabayan ng mga hakbang niya. Sobrang laki ng pagitan kaya imbis na lakad, takbo ang nagagawa ko.


"Vincent, saan tayo pupunta?" Tanong ko ulit, hinahabol parin siya.


"Shh," tinapat niya ang hintuturo sa bibig niya. "Ako bahala, sunod ka lang sa'kin."


Kahit naguguluhan hinayaan ko na lang na hilain niya ako. Wala naman na ako magagawa dahil malayo na kami. Basta pag si Vincent talaga ang nagsabi kahit ano pa yon parang automatic ako napapapayag. Sobrang lakas niya sa akin na hindi ko siya matanggihan.


Maya-maya't tumigil kami sa pag lalakad. Tumingin ako sa paligid at doon ko lang na realize na nandito kami sa likod ng library. Walang tao dito kahit isa kaya ang tahimik. Puro puno lang at mga halaman kaya hindi rin ganon kainit, infact maaliwas ang paligid. Ang sarap matulog. 


"Anong gagawin natin dito?" Nagtataka ko siyang tinignan.


Binitawan niya ang kamay ko at umupo sa tabi ko. Inayos niya ang sarili niya saka nilagay ang kamay niya sa tabi na parang gusto niya samahan ko siya.


"Upo ka dito dali."


"Ayoko! may klase na tayo ngayon oras. Tara na malelate na tayo." Mariin kong tangggi. Ano ba naisip ng lalaking ito at gusto pa yata mag cutting? Balita ko maganda pa naman records niya sa class baka masira pag nahuli siya dito. Kinuha ko ang kamay niya para sana itayo siya pero nagulat ako nung hinila niya ako. Grabeng lakas yon! hindi ako nakareact dahil sa higpit ng kapit niya!


"Huwag na tayo umattend ng klase," hinawakan niya ang ulo ko at dahan dahan pinahiga sa binti niya. "Alam kong mas kailangan mo ngayon malayo muna sa tao."


"Paano mo naman nalaman na kailangan ko nga ito?"


"I just know." He keeps on brushing my hair while I just laying my head on his thigh. Somehow, I feel so peaceful...


"Psh."


"Don't 'psh' me. You know I'm right." Tuwang tuwa niyang sabi na hindi nakatingin sa'kin.


"Oo na, tama ka." You always know everything about me. "Pero okay lang ba sayo mag cut ng class? Hindi ka ba hahanapin sa room niyo?" I had a sudden urge to ask.


"My presence is the least you need to worry, naomi." Bigla siya tumingin sakin dahil sa pagbago ng mukha ko. Nahalata ata na bigla ako nakonsensya dahil nandito siya. Now, nakatingin na siya sakin habang ako nakahiga at nakatingin rin sa kanya.


"Huwag mo na nga isipin yon. Hindi ka ba natutuwa ngayon na lang ulit tayo nagkaroon ng free time?"


"Natutuwa. Pero dapat kasi wala tayo ngayong free time." Sagot ko sa kanya.


Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now