17

11 1 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa pagsilip ng araw mula sa bintana. Dahan dahan ako tumayo at tumingin kung saan pinaka malakas ang sikat ng araw. Dahan dahan ako napa ngiti, umaga na pala.


"Hmm..." Pumipikit pikit pa ang mata ko bago ako tumayo. Nag unat ako para magising ang diwa ko kahit papaano.


I looked again in my window. It was so peaceful. Sabado ngayon at napagusapan namin kahapon ni Vincent na pumunta sa Makati para mag review sa nalalapit naming exam this week.


Double purpose ang gagawin namin kaya gusto namin na sa malayo kami mag review. Pumayag ako dahil gusto ko rin naman na mag date kami.


Napangiti ako mag isa dahil sa salitang "date". May date kami mamaya ni Vincent. Ganito pala pag hinayaan ko ang sarili ko ilabas ang tunay na nararamdaman ko no? Ang saya pala.


Tumigil lang ako sa pagppantasya nung narinig ko na may nag doorbell. Sumilip ako sa bintana para tignan kung sino iyon.


Nakatayo si Vincent habang naka suot ng casual na damit. bakit ang aga naman? kagigising ko lang!


Nagmadali akong bumaba para pag buksan siya ng pinto.


"Good morning," bati niya agad sa akin. Pinapasok ko siya at pinaupo muna sa sala. Sanay naman siya dito kaya wala namang bago.


Nilibot niya muna ang kanyang mata sa paligid. "Asan si Yaya?"


"Si yaya nandito lang yon-" natigil ako sa pagsasalita para hanapin si Yaya. Nilibot ko ang paningin ko at pumunta rin sa kusina pero wala. Ako lang pala ang tao dito, asan kaya siya?


"Baka lumabas saglit. Kagigising ko lang kasi kaya hindi ko alam saan pumunta." I informed. Tumango naman siya.


"Mag aayos lang ako. Salit lang to!" Paalam ko sa kanya at nagmamadaling umakyat. Nakakahiya naman ang aga niya pumunta dito tapos kagigising ko lang.


"It's fine, you can take your time to prepare" Ngumiti ako sa kanya at maliit na tumango bago pumunta sa kwarto at maligo.


I did my extra routine. Extra kasi nag plantsa pa ako ng buhok na hindi ko naman usually ginagawa. Ewan ko, feel ko mag plantsa ng buhok ko ngayon araw. I also put some light make up para hindi rin malagkit sa mukha if ever na pag pawisan ako sa labas dahil mainit sa pilipinas.


"Tara na" aya ko pagbaba. Hindi niya agad ako napansin dahil malalim ang iniisip niya kaya lumapit ako. Nung nakita niya ako ngumiti siya tyaka kinuha ang bag niya tyaka tumayo.


"Aalis na kayo?" yaya walked towards us habang nag pupunas ng kamay sa laylayan.


"Opo tita." Tumango si Yaya at ngumiti sa amin ng pagkalaki laki.


"Saan ka galing yaya?" matagal siya sumagot kaya natahimik kaming tatlo ng ilang segundo. Mukhang nag isip kung ano isasagot niya sa akin kaya nagtaka ako pero hindi ko ito masyado pinahalata.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 20, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora