09

12 2 0
                                    

"See you, tomorrow guys!"


Nagmamadaling kinuha ni brille ang gamit niya at nagpaalam agad sa akin. Kinawayan ko lang siya dahil may iba akong iniisip. Hindi ko alam bakit biglang nag iba ang mood ni Vincent. Pakiramdam ko parang may mali.


"Saan na naman kaya pupunta yon? Last time iniwan niya rin ako sa kalagitnaan nang pamamasyal namin."


Ganon parin naman pakikitungo niya sa iba habang kumakain kami pero malakas talaga pakiramdam ko na may nagiba sa mood niya.


Hindi ako masyado nakakain nang maayos dahil lagi ako sumisilip ng tingin sa kanya, pinapakiramdaman siya.


"Naomi?"


Ano kaya nangyari sa kanya? Should I call him ba? What if ayaw niya ako kausap?


"Naomi!"


Bigla ako natauhan nang sumigaw si Avery at hinampas ang kamay niya sa table.


"H-huh?" Natatanga kong sagot.


"Kanina pa kaya kita tinatawag. Ano ba iniisip mo parang ang lalim ata para hindi mo 'ko marinig?"


"Uhm, nothing." I fake a laugh. Tinaasan ako ng kilay ni avery, hindi naniniwala sa sinabi ko kaya lalo akong ngumiti at tumawa para hindi siya mag duda.


Seryoso niya akong tinignan kaya medyo natakot ako. "Naomi cut the chase, anong problema?" I flinched. Ngayon ko lang siya nakita na ganito at nakakapanibago 'yon. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.


"It's just vincent..."


"Ano meron kay Vincent?"


Pinaglaruan ko yung hinalalaki ko dahil hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. "Wala naman, pero I think something is wrong? I don't know. Ramdam ko kasi na parang may mali dahil sa pagbago ng mood niya kanina pero ayoko naman siya tanungin about doon kasi baka hindi naman niya gusto ipagsabi sa iba. Baka ma feel niya nanghihimasok ako or I'm sticking my nose into something where it doesn't belong." Sunod sunod kong sinabi kay Avery. 


"Ewan ko! Hindi ko alam!" Nagdabog ako sa hangin because of my own frustration.


Avery laughed very hard as if she was amused watching me getting frustrated.


"Wag ka tumawa! Nahihiya na nga ako dito!" Malakas kong sinabi because of my frustration. Pakiramdam ko sobrang pula na nang pisngi ko!


"I'm sorry...pfff- it's just... first time ko lang kasi makita na ganyan ka. Ang cute mo." Lalo siya tumawa.


"Stop it!" Nahiya na talaga ako.


Hindi naman talaga ako ganito but when it comes to him, I always get curious. I want to know everything about him, like what happened in his day, what he wants to do, and what he feels. Si vincent kasi yung tipo nang tao na magiging dependent ka sa kanya because he is dependable. And that bothers me.

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon