03

18 2 0
                                    

"Weh?" I looked at him with disbelief. Hindi ako naniniwala na mag pinsan silang dalawa. Baka nantitrip lang 'to eh!


"Oo nga." His eyes widened a little to express he was telling the truth.


"Bakit wala naman sa features mo na magkamukha kayo kahit konti?"


"Gano'n ba yon nag wowork?" My eyebrows suddenly flinch after hearing his sarcastic remark. Kanina pa ako pinipilosopo ng lalaking to!


"Okay fine! Bakit wala kayo pictures sa social media?"


"Hindi kami close. Magkahiwalay kami lumaki."


Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi parin ako makapaniwala na magpinsan talaga sila. Hindi kasi talaga sila magkamukha o kahit magkahawig man lang! Tapos ibang iba si vincent sa kanya.


Nakita niya na umismid ako kaya natawa siya nang konti. Wala naman na ako masabi. Mukha naman kasi siya nagsasabi nang totoo.


"Sino gusto mo sa'min dalawa?"


"Syempre si Vincent," agad kong sagot. "Ang bait bait ni Vincent eh."


"Hindi naman 'yon mabait..." bulong niya pero hindi ko masyado narinig. Tumingin siya sa akin.


"Mabait rin naman ako ah?" He fired back.


"Yeah, atleast hindi ako malanding kinindatan ni Vincent nung una kaming nag kita."


"Fine, I can't compete with him. But, you think I'm flirting?" He sounds confused.


"Nung una," sagot ko. "Pero ngayon feel ko nang iinis ka lang talaga dahil bored ka. Pareho lang naman tayo bored dito pero bakit ako pinag titripan mo?"


He just shrugged. Nag-unat siya ng kamay at sumandal sa upuan. Tumahimik ulit siya at inenjoy ang view sa harap namin.


Ayan, wala na ulit kami nagsasalita sa'min dalawa. Hindi talaga ako mapakali pag tahimik siya. Parang hindi bagay sa kanya. Tumayo ako kaya napatingin siya sa'kin. Nasa harap niya na ako ngayon habang nakapamewang.


"Diba bored ka? Halika." Kinuha ko ang kamay niya at hinila. Napatayo siya nang wala sa oras dahil kasama ko siya tumatakbo papunta sa dagat.


Nabasa kaming dalawa dahil tumama sa amin ang alon.


"Ah ganon ha?!" Sigaw niya habang tumatawa. Natawa rin ako dahil basang basa kaming dalawa ngayon. Kumuha siya ng tubig at binasa ako kaya napapikit ako. Pinunasan ko ang mukha at ginaya ang ginawa niya sa'kin.


Tawa kami nang tawa sa ginagawa namin ngayon. Kami lang naman dalawa ang nandito kaya ayos lang kahit maingay kami. Ngayon namin na enjoy ang totoong bakasyon. Ngayon namin naramdaman na masaya kaming dalawa dahil sa pagtampisaw namin sa dagat.

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now