15

13 1 0
                                    


"Ughh..."


Napahawak ako sa ulo pagbangon ko dahil sa sakit ng ulo. Dahan dahan ko minulat ang mata ko dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana ko. Anong oras na ba?


Tinignan ko ang alarm clock. 9 am?! shit! nagmadali ako tumayo sa kama at inayos yon. Ang galing mo talaga naomi! May pasok ka pa tapos ang lakas ng loob mo matulog ng ganito katagal!


Tumingin ulit ako sa alarm clock. Saturday...


Saturday ba ngayon? I rubbed my eyes just to make sure na tama nga ang nakita ko. Nung na confirm ko na tama nga napahinga ako ng maluwag.


Jusko, akala ko late na ako, wala pala kaming pasok ngayon. Dumapo ang tingin ko sa maliit na palanggana na may bimbo sa gilid lang ng higaan ko.


Bakit may ganyan dito? napakamot ako sa ulo ko. Malalim ako nagisip kung ano ba ang nangyari kahapon.


Nahimatay ako tapos... may nag alaga? pero diba panaginip lang 'yon? wait... kung may bimpo pa dito ibig sabihin nandito si Vincent kahapon.


Nanlaki ang mata ko sa mga biglang alaala na pumasok sa utak ko.


"AHHHHH!!!!!!" Napasigaw ako bigla. So hindi 'yon panaginip? Lahat 'yon totoo? Yung pag uusap namin dalawa, yung pag iyak niya, yung sinabi niya?! Totoo lahat yon.


"Naomi, you're so stupid!" napasabunot ako sa sarili ko.


"Bakit?! Anong nangyari?!" Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto.


Nagpanic si Yaya dahil siguro sa sigaw ko kanina kaya nagmamadali siya na umakyat dito. Himihingal pa tyaka may dalang sandok.


"Yaya... nandito ba si Vincent kahapon?" I asked, para makasigurado kahit alam ko naman talaga ang sagot.


"Ha?" Natatanga akong tinignan ni yaya. "Diba nag usap nga kayo? Akala ko nga anong nangyayari doon kasi lumabas siya na namumula yung mata eh!"


I automatically pressed my lips because of the guilt. Malalim akong bumunting hininga. Ano na naman ba ang ginawa ko? Bumalik ako sa kwarto para magbihis. Naka suot na ako ng pang alis pero natigil ako dahil sa malakas na pag ubo ni yaya.


"Yaya are you okay?" Mabilis ko hinagod ang likod niya.


"Oo ayos lang ako. Nasamid lang ata ako." Ngumiti siya para hindi ako mag alala.


"Sure ka ba yaya? Last pa kita nakikita na ganyan baka lumala yan. Mag pa check na kaya tayo?" Mabilis siya umaling at lumayo. Parang takot na takot siya sa idea na magpagamot.


"Nasamid lang talaga ako! Itong alaga ko ang lakas mag overthink. Wala ako sakit" tumawa siya dahil nag aalala  pang itsura ko.


"Okay." Tanging nasagot ko kahit hindi ako kumbinsado sa sagot niya.


Beauty of the Light (Celestial Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon