14

13 2 0
                                    

"Yaya..."


Kakauwi ko lang at basang basa ako dahil sa ulan. Paglabas ni Yaya mula sa kusina halos tumakbo siya sa akin. Gulat dahil sa itsura ko ngayon.


"Ay! jusko kang bata ka! anong nangyari at basang basa ka sa ulan?!" tanong niya na may buong pag aalala.


Hindi ako nagsalita bagkos ay nanginig ang labi ko. Naginit ulit ang mata ko, nagbabadya na tumulo ulit ang aking luha.


She paused and looked at me because I kept silent. Without uttering a word, she hugged me and with just that, all the emotions I kept suppressing burst out. Inakap ko siya nang mahigpit at umiyak ng todo sa kanyang yakap.


She's that type of person who can make me feel like this. Yaya's presence makes me want to crawl and cry and surrender my heart...


And even when I did those things she was there as if telling me it was okay.


like Vincent...


They're the people I willingly take down my walls and openly show my weakness.


Pagtapos ko magpunas humilata agad ako sa kama at nagpahinga. Chineck ko kung bukas ba ang aircon dahil nilalamig ako pero hindi naman siya nakabukas. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at sinubukan na matulog.


Narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ko pero hindi ko tinignan kung sino 'yon.


"Mukhang magkakasakit ka pa ata..." naramdaman ko ang kamay ni Yaya sa noo ko pero hindi ko magawang dumilat.  Wala na talaga akong lakas.


Sa sobrang pagod ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko. Hindi rin nakatulong yung pamamaga ng mata ko dahil sa iniyak ko kahapon.


Pinilit ko bumangon at kumilos. Naabutan ko si Yaya na naghahanda ng almusal sa lamesa pero tinitigan ko lang 'yon dahil wala akong gana kumain.


Papasok na lang ako. Huminga ako ng malalim at tumayo pero bigla akong na out of balance pag tayo.


Mabuti na lang at nahawakan agad ako ni Yaya.


"Ang putla mo, Naomi," buong pagaalala niya akong tinignan at hinawakan ang noo ko.


"Susmaryosep! may lagnat ka! wag ka na pumasok ngayon." hawak niya ako at ayaw ako bitawan.


Mabilis ako umiling at lumayo sa kanya. "Yaya it's okay. Kaya ko 'to. Sinat lang naman 'to hindi lagnat."


Halatang ayaw niya ako papasukin pero nagpumilit ako na mag lakad paalis para hindi na niya ako mapigilan. Lilipas din tong sakit ko ng ulo tyaka lagnat.


Baka masama lang talaga ang gising ko. Pag pasok ko, muntik na ako matumba sa room namin dahil sa sobrang hilo.

Beauty of the Light (Celestial Series #2)Where stories live. Discover now