CHAPTER 1 Talumpati

856 10 2
                                    

…………Ang buhay ay parang isang sangang daan. Minsan kailangan kang mamili sa dalawa. Kailangan din minsan yong mayroon kang ibubuhis mula sa dalawa. Kung ganun lang di naman ang lahat, talagang kay hirap ng buhay, parang isang pagsusulit diba? Ang daming pagpipilaan ngunit isa lang ang dapat piliin. Anu nga ba ang dapat piliin? Iyong bagay na makapagpapasaya sayo o yong nakapagpapasaya ng iba……

Nagsipalakpakan ang lahat ng pagkatapos magtalumpati ni Frederick sa Unibersidad na pinapasukan niya.

Pagkababa niya sa hagdanan ng intablado ay sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan na tudo suporta sa kanya. Sila na ata yong itunuturing niyang kapatid sa buhay. Di nagtagal ay napansin rin niya ang kanyang mga magulang na noo’y inakala niyang di makadadalo sa pagkakatoong iyon. Lumapit ang kanyang magulang sa kanya na may namumuong luha sa kanilang mga mata at sabay yakap sa kanilang anak.

“Ipinagmamalaki ka namin anak. Kami ng iyong ama’y ipinagmamalaki ka sa lahat ng iyong mga napagtagumpayan”, sabi ng kanyang ina.

“O ba’t tila lumuluha ang inyong mga ,mata”?nakangiting sabi ni Fred.

“Wala to anak, nadala lang kami ng iyong ina sa aming imosyon at galak ng makita namin na ang aming munting anak noon na ngayo’y lumaki na sa tamang gulang at malalim na rin kung mag-isip”, pabirong sabi ng kanyang ama.

“Bagay na bagay pala sa’yo anak tong habito mo, para ka ng totoong pastol ng simbahan. Naway mapagtagumpayan mo yan anak”,sabi ng kanyang ina.

“Ikatutuwa namin yan ng iyong ina kapag dumating na iyong araw na ika’y dadapa sa altar sa araw ng iyong ordinasyon”, sabi ng kanyang amang may bakas ng kasiyahan sa mukha.

Napilitang ngumiti si Frederick na tila may gustong sabihin sa kanyang magulang ngunit di niya magawa. Sinabi nalang niya sa sarili ang mga katagang, “Ayaw ko ng ulitin pang ipaintindi sa inyo ang lahat, ayaw ko ng magkaroon ulit tayo ng di pagkakaintindihan.”

Pagkalipas ng dalawang oras ay nagpaalam narin uli sila sa kanilang anak na matagal-tagal narin uli nilang di makikita. Hinatid ni Frederick ang kanyang magulang sa main gate ng Unibersidad.

“Paalam, matagal-tagal rin bago tayo muling magkita, magpakabait ka anak”, sabi ng kanyang ina.

“Mag-iingat po kayo”, tugon naman ni Fred.

Di rin naglaon ay umuwi narin sila Frederick at kanyang mga kasama sa kanilang seminaryo. Pagkababa niya sa sasakyan ay dumiritso siya agad sa may bandang palaisdaan ng seminaryo. Naglakad-lakad siya roon tila may malalim na iniisip. At napatigil siya sa kanyang paglalakad sa harap ng imahin ng Birhen at doon siya umupo at ipinagpatuloy ang pagmumuni-muni niya hanggang sa makaidlip.

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now